PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy Coordinator's Tales: A Killer Paradox Shoot in PH

Manila at Navotas, tampok sa ilang eksena sa A Killer Paradox.
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2024
kim woo-shik a killer paradox
Korean actor Kim Woo-shik visited the Philippines in March 2023 to shoot some scenes in Manila and Navotas City for the Netflix K-drama series A Killer Paradox.
PHOTO/S: Netflix

Hindi lamang sa Navotas City kinunan ang mga eksena ni Choi Woo-shik para sa Episode 18 ng Korean limited series na A Killer Paradox.

Nag-shooting din ang South Korean production sa Quiapo at Manila Dolomite Beach sa Roxas Boulevard, Manila.

Diumano, napagtuunan nang husto ng pansin ang shooting ni Woo-shik sa Navotas City dahil nakilala siya ng mga tao habang naglalakad sa kalsada, lalo ng mga Pilipinong masugid na tagahanga ng K-drama stars.

Ang Reality MM Productions ang project coordinator sa Pilipinas ng A Killer Paradox, na pangalawa ngayon sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines.

Si Griffin Villanueva ng Reality MM Productions ang casting coordinator ng proyekto.

Siya ang tinanong ng Cabinet Files sa ilang mga detalye tungkol sa Metro Manila shoot ng A Killer Paradox noong Marso 2023.

kim woo-shik griffin villanueva

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Griffin Villanueva with Kim Woo-shik

Kinumpirma ni Griffin na kinunan sa Manila Dolomite Beach ang eksenang naglalakad si Woo-shik.

a killer paradox dolomite beach

Kasali sa Manila Dolomite Beach scene ang kapwa Korean actor ni Woo-shik na si Hyun Bong-sik, ang gumanap na retired detective na piniling mamuhay nang tahimik sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Woo-shik at Hyun Bong-sik ang dalawa sa mga cast member ng A Killer Paradox na dumating sa Pilipinas para sa mga eksena nila.

“Mababait sila,” sabi ni Griffin tungkol sa mga Korean actor na nakatrabaho niya noong nakaraang taon.

“Yung shoot namin, mapapa-sana all ka talaga! Napakaayos ng sistema.

"May isang araw kami na nakatatlong locations or baklas kami pero on time kami natapos.

“Nag-call time ng 7 a.m. at expected pack-up is around 6 p.m., pero natapos kami ng 5 p.m. As in hindi umaabot ng madaling-araw ang trabaho namin.”

Pagpapatuloy ni Griffin, “Casting-wise, mararamdaman talaga na iba sa kanila. Usually sa Pilipinas, ang approval ng talents, kailangan lang ng mga set card at acting video.

“Sa Koreans, ipapadala na nila agad ang wardrobe requirements at sa photos na ipapadala ng mga talent, dapat suot na nila ang kanilang mga costume.

“Kasama yon sa approval aside sa look and acting. Kaya pagdating nila sa set, all ready na at isasalang na lang.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa Filipino character actor na si Lao Rodriguez, Pinoy ang child actress na gumanap na anak ni Hyun Bong-sik, pati na ang mga bit player na nakaengkuwentro ng karakter ni Wook-shik sa mga eksena nito sa Navotas City na mapapanood sa huling kabanata ng A Killer Paradox.

Read: Lao Rodriguez, bahagi ng Netflix series ni Choi Woo Shik

Ibinahagi ni Griffin sa Cabinet Files ang mga larawang kuha niya at alaala mula sa set ng A Killer Paradox, kabilang ang yellow truck na standby area ni Woo-shik.

a killer paradox

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korean actor Kim Woo-shik visited the Philippines in March 2023 to shoot some scenes in Manila and Navotas City for the Netflix K-drama series A Killer Paradox.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results