PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kinilala sa Senado

Eddie Garcia, pumasa na sa pangatlong pagbasa sa Senado.
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2024
robin marian dingdong senate
Senator Robinhood Padilla (inset) on Rewind stars Marian Rivera and Dingdong Dantes: "Sila po ang simbolo ng makabagong pamilyang Pilipino — may pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kalikasan at sa kapwa-tao."
PHOTO/S: PPL Entertainment Inc. Facebook / Facebook

Kinilala ng Senado ang tagumpay ng Rewind, ang pelikula ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na naging topgrosser sa 49th Metro Manila Film Festival, noong Lunes, Pebrero 19, 2024.

Si Senator Robinhood Padilla ang may-akda ng resolusyong may bilang 90902-19, na nagbibigay-parangal at papuri ng Senado sa mag-asawa, sa direktor na si Mae Alviar Cruz, at sa Rewind dahil sa pagbibigay nito ng pag-asa sa naghihikahos na industriya ng pelikulang Pilipino.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

marian dingdong senate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marian and Dingdong with the Senators and Senate staff

Ito ang kabuuan ng mga papuri at sponsorship speech ni Padilla tungkol sa mga bumubuo ng Rewind:

“Ang industriya ng pelikulang Pilipino ay naghihingalo bunga po ng taas ng singil ng sinehan sa pagpapalabas ng lokal na pelikula.

“Bunga din po sa napakaraming buwis na nakapataw sa lahat ng aspeto ng paggawa at pagpapalabas ng pelikula. Bunga din po ng kawalan ng interes ng ating mga kababayan sa mga naipapalabas na pelikulang Pilipino.

“Kung atin pong iisa-isahin ay mapupunta lamang sa kalungkutan ang bulwagang ito. Wala pong lugar ang kwento ng kasawian sa oras na ito sapagkat una, ipinagdiriwang natin ang Eddie Garcia Bill.

“Pangalawa, nakita na po ang sinag sa kalagitnaan ng kadilimang bumabalot sa buong industriya ng pelikulang Pilipino — isang kinang na pumukaw muli sa pagkauhaw natin sa panonooring artista sa sinehan at isang pelikulang ating pipilahan at pagkakagastusan ng pinaghirapang salapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dalawang artista: Si Ginoong Dingdong Dantes at Ginang Marian Rivera, at isang direktor Ginang Mae Cruz, ang nagbigay ng pag-asa sa naghihikahos na industriya ng Pelikulang Pilipino.

“Nais ko po ibahagi sa lupon na ito ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa pelikulang Rewind sa ilalim ng Star Cinema production.

“Hindi lamang po dahil sa halos isang bilyong piso ang kinita ng pelikula kundi dahil sa iniwan nitong pag-ibig at aral na tumagos sa puso at kaisipan ng ating mga kababayan.

“Hindi lamang po dito sa Inang Bayan kundi pati sa ibang bansa ay hindi nagpahuli ang ating mga kababayang Pilipino sa pagtangkilik sa pelikulang sumira, nagwasak (sa magandang mapaparaan po), at naghari sa larangan ng box office record sa buong kasaysayan ng industriya ng pelikulang Pilipino.

“Ang salmo ng parangal at pagkilalang hinihingi sa lupon na ito ay hindi lamang sa usapin ng pagiging bagong hari at reyna ng pelikulang Pilipino ang mag-asawang Dantes, kundi ang pagiging inspirasyon ng dalawang artistang ito sa libo-libong mga kababayan natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ginoong Pangulo, sila po ang simbolo ng makabagong pamilyang Pilipino — may pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kalikasan at sa kapwa-tao kung kaya nararapat lamang po ang ating pagkilala sa kanila sa hapong ito.

"Maraming salamat po.”

Kasabay ng sponsorship speech ni Padilla tungkol sa Rewind ang pag-apruba ng Senado sa ikatlong pagbasa ng Senate Bill 2505 o mas kilala bilang Eddie Garcia Bill.

Pangunahing layunin ng Eddie Garcia Bill na pangalagaan at protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Sina Senators Jinggoy Estrada at Robinhood Padilla ang mga sponsor ng naturang panukala.

Read: House passes “Eddie Garcia Bill” ensuring protection of entertainment industry workers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robinhood Padilla (inset) on Rewind stars Marian Rivera and Dingdong Dantes: "Sila po ang simbolo ng makabagong pamilyang Pilipino — may pag-ibig sa Diyos, sa bayan, sa kalikasan at sa kapwa-tao."
PHOTO/S: PPL Entertainment Inc. Facebook / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results