PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Santos nag-audition noon sa GMA-7 pero di nakapasa

Erik Santos inaming may panahong yumabang dahil sa kasikatan.
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2024
erik santos fast talk
Erik Santos on important lesson he learned in his singing career: “Isa sa mga natutunan ko sa 21 years ko sa industriya, you have to give what your audience wants. Pakinggan mo rin yung sarili mo, pero mainly, I’m talking of the songs that I wanna sing sa isang concert. You give them what they want to hear from you kasi yun ang binayaran nila. Yun ang ipinunta nila. Yun ang gusto nilang marinig from you.”
PHOTO/S: GMA Network

Ang Kapamilya singer na si Erik Santos ang guest, kasama ang Kapuso singer na si Julie Anne San Jose, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 22, 2024.

Pero mali ang akala ng iba na ito ang unang pagkakataong tumapak si Erik sa bakuran ng GMA Network.

Read: Erik Santos breaks down on 20th anniversary concert stage after recalling late parents

Mahigit dalawampung taon na ang nakalilipas nang subukan ni Erik sumali sa audition para sa isang talent search contest ng GMA-7, pero hindi siya nakapasa.

Pagtatapat ng singer sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, “Lingid sa kaalaman po ng iba, marami rin po akong mga audition na sinalihan.

"At isa sa unang auditions ko was here in GMA. Yun po yung hindi alam ng mga tao.”

Kumanta at umarte raw si Erik sa nabanggit na audition.

Napag-alaman ng Cabinet Files na naranasan noon ni Erik makatikim ng panglalait mula sa isang mataray na production staff member, na hinding-hindi niya nalilimutan ang pangalan pero tumanggi siyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natupad ang pangarap ni Erik na maging professional singer nang sumali siya at tanghaling grand champion sa Season 1 ng Search for the Star In A Million ng ABS-CBN noong 2004.

Nakatadhana si Erik sumikat dahil natanggal na siya sa ikatlong linggo ng pagsali niya sa Star In A Million, pero nakabalik dahil sa wildcard at itinanghal na grand champion.

Read: REALITY SHOW CHRONICLES: Erik Santos reveals childhood dream before joining Star In A Million

Mula noon, naging matagumpay ang singing career ni Erik.

Sigurado kaming natatandaan siya ng production staff member na nagmaliit sa kanyang kakayahan bilang singer.

Sa panayam sa kanya sa Fast Talk kahapon, nagpakatotoo si Erik nang sabihin nitong nagbago ang ugali niya dahil sa popularidad na tinatamasa pero sandaling panahon lamang.

Saad niya, “Sa tingin ko po, may moments sa career ko na parang okay lang sa akin na ma-late, ganyan.

"Pero sandali lang po yon sa period ng career ko. Kasi ngayon, talagang nirerespeto ko yung oras ng mga nakakatrabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hangga’t maaari, hindi ako nale-late."

May malaking araw daw na natutunan si Erik sa mahigit dalawang dekadang pamamayagpag niya bilang mang-aawit.

“Isa sa mga natutunan ko sa 21 years ko sa industriya, you have to give what your audience wants.

"Pakinggan mo rin yung sarili mo, pero mainly, I’m talking of the songs that I wanna sing sa isang concert.

“You give them what they want to hear from you kasi yun ang binayaran nila. Yun ang ipinunta nila. Yun ang gusto nilang marinig from you,” sabi ni Erik.

Ang guesting nina Erik at Julie Anne ay bahagi ng promo para sa kanilang concert na Love Bound, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa March 2.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Santos on important lesson he learned in his singing career: “Isa sa mga natutunan ko sa 21 years ko sa industriya, you have to give what your audience wants. Pakinggan mo rin yung sarili mo, pero mainly, I’m talking of the songs that I wanna sing sa isang concert. You give them what they want to hear from you kasi yun ang binayaran nila. Yun ang ipinunta nila. Yun ang gusto nilang marinig from you.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results