Binigyang-pugay ang First Lady of Philippine Cinema na si Gloria Romero, sa Tribute to the Queen, na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 28, 2024.
Read: Gloria Romero on seven-decade-long showbiz career: "It's my passion, it's my dream."
Ang matalik na kaibigan ni Gloria at dating aktes na si Daisy Romualdez ang producer ng Tribute to the Queen.
Ito ang pangalawang pagkakataong binigyan niya ng parangal ang 90-year-old multi-awarded veteran actress.
Read: Gloria Romero nagdiwang ng ika-90 na kaarawan

Sina Senator Robin Padilla, Dulce, Mark Bautista, at Boy Abunda ang ilan sa mga personalidad na nagbigay-pugay kay Gloria.
Ilan sa mga kinanta ni Mark ay ang medley ng "Love is a Many Splendored Thing," "What I Did for Love," at "Walk Away."
Inawit naman ni Dulce ang" Tanging Yaman," na siya ring titulo ng 2000 movie na pinagbidahan ni Gloria. Nakalimutan ni Dulce ang ilang lyrics ng kanta, pero hindi masyadong napansin ng manonood dahil sa kanyang husay.
Nang umakyat sa entablado si Robin Padilla, ikinuwento nito ang isang hindi malilimutang karanasan na nagsilbing inspirasyon daw para abutin niya ang pangarap maging aktor.
Lahad niya, “Noong nag-uumpisa po ako, ako po ay goons, ako ho yung kontrabida lagi ng bida.
"Nung nagkasama po kami ni Tita sa Kami’y Mga Ulila, hindi ko po makakalimutan yon. Tinawag ako ni Tita, sabi ni Tita, ‘Alam mo, iho, magaling ka.‘
“Na-shock po ako kasi Gloria Romero itong nagsasabi sa akin na magaling ako, e, ano lang ako, goons.
“Tapos sabi ni Tita, ‘Magtiyaga ka. Sigurado meron kang pupuntahan.’
“Hindi ko ho makakalimutan, Tita, yung araw na yon kasi ‘yun po yung mga panahon na yung ibang mga artista, ang tingin sa akin…
“Ganoon po naman talaga noon. Kapag iba ang hitsura mo, naka-boots ka, nakamaong ka, naka-jacket ka, iba ang dating.
"Pero para bigyan ako ng pansin ng Reyna ng Pelikulang Pilipino, yun po ang nagbigay sa akin Tita ng hudyat, ng inspirasyon para magtiyaga."
Sinundan ito ni Robin ng matunog na “I love you” para sa respetadong aktres.
Ipinaalaala naman ni Boy Abunda sa lahat na reyna na si Gloria bago pa man nagkaroon ng Miss Universe crown sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Sabi ni Boy, “We are fortunate that her reign as queen is actually happening and continuous to happen in our lifetime.
“Nakakatuwa and I am proud to be here. I am proud to be a fan of the great movie queen.
“I am proud to be part of tonight’s event paying tribute to a first lady of Philippine Cinema.
“Long before anybody said she’s confidently beautiful, Tita Glo was confidently beautiful.
“Before Pia Wurtzbach snatched the Miss Universe crown in 2015, you were confidently beautiful.
“Long before Catriona saw the silver lining, you saw the silver lining in the not so many photogenic of moments of life with your compassion, humility, generosity, brilliance, beauty, and like all of you, I say tonight that Tita Glo is the longest reigning monarch of Philippine Cinema.
“Long live the queen and I am proud to say your name, Miss Gloria Romero.
"Thank you for all that you are and thank you for all the things you’ve done for us at the industry.”