PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bruneiyuki Beauties featured in Some Girls: My Life In A Harem

Sino si "Fiona" na pinakapaborito raw ni Prince Jefri ng Brunei?
by Jojo Gabinete
Published Mar 12, 2024
some girls cover
In Jillian Lauren's autobiography, Some Girls: My Life In A Harem, she mentioned two Filipino celebrities who she claims are part of Brunei's Prince Jefri Bolkiah's harem.

Sa isang panayam sa American author na si Jillian Lauren noong Enero 2024, muli itong nagkuwento tungkol sa buhay niya bilang escort girl o bayarang bisitang babae ni Prince Jefri Bolkiah ng Brunei sa pagitan ng mga taong 1992 at 1995.

Eighteen years old si Jillian nang pumunta siya sa Brunei.

Pero ang paalam daw niya noon sa kanyang mga magulang ay magsu-shooting siya ng pelikula sa Singapore kasama ang Hollywood actor na si Michael Douglas.

Read: Pinoy celebrities who are related to royalty

Naglabas si Jillian ng libro na siya mismo ang sumulat, ang Some Girls: My Life in a Harem, ang New York Times bestseller na tungkol sa mga karanasan niya sa matagal na panahong pananatili sa Brunei.

Una itong na-publish noong April 27, 2010.

some girls cover

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 1993, naging malaking balita sa Pilipinas at maging sa ibang bansa, tulad ng U.S., ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga kilalang aktres na binansagang "Bruneiyuki" dahil pumunta sila sa Brunei para magtrabaho at kumita ng limpak-limpak na salapi.

Read: Looking Back: Showbiz scandals that raised public outcry

Ang senador noong si Ernesto Maceda (March 26, 1935 – June 20, 2016), na kilala bilang "Mr. Expose," ang nanguna sa imbestigasyon.

mr. expose washington post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero maliban sa struggling actress noong si Ana Maceda — na kilala ngayon bilang Rosanna Roces — walang sinuman sa mga akusadong showbiz personalities ang umaming pumunta at nagtrabaho sila sa palasyo ng prinsipe sa Brunei.

Jennifer Adriano ang tunay na pangalan ni Rosanna.

Hazel ang kanyang palayaw, pero Ana Maceda ang unang screen name na ginamit niya sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang Comfort Women: A Cry For Justice, na ipinalabas noong 1994.

Ang "Ana Maceda" ay mula sa pinagsama at pinaiksing pangalan ng talent manager na si Annabelle Rama (Ana) at apelyido ni Senator Maceda.

Walang takot na inamin noon ni Rosanna na nagtrabaho siya sa Brunei at naranasan niyang maging tagapalakpak habang naglalaro ng tennis si Prince Jefri at ang mga bisita nitong lalake.

Ibinulgar din noon ni Rosanna na nakita niya sa palasyo ang isang sexy star na nakatikim ng pangungutya dahil isinalarawan ng isang bisita bilang “the girl with a body of a woman but face of a man.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumutugma ang kuwento ni Rosanna sa mga inilahad ni Jillian sa librong isinulat nito — ang paglalaro ng tennis ng prinsipe at ng mga kaibigan nito, pati ang mga magagandang babae mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas, na kasali sa harem.

Isiniwalat ni Jillian sa kanyang autobiography na ang Filipina actress na si "Fiona" ang pinakapaborito at minahal ni Prince Jefri.

Hindi sinabi ni Jillian kung tunay na pangalan ng aktres ang Fiona o gumamit siya ng alias para protektahan ang pagkatao ng babaeng may "vague British accent" na nagustuhan umano ng prinsipe.

Bahagi ng isinulat ni Jillian sa Some Girls: My Life in a Harem: “Fiona had been a popular television actress in the Philippines. She told me that Robin had fallen in love with her while watching her show and had sought her out and invited her for a visit.

“Initially she was intrigued, then she was repulsed, then he won her over. On her first night in Brunei, she had walked into the party and then walked straight back out. Robin had answered her consternation with diamonds.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Robin" ang nakasanayang tawag kay Prince Jefri.

Sa sumunod na kabanata ng libro, ikinuwento ni Jillian na bumalik si "Fiona" sa Pilipinas at mula noon, hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon.

“The story of Fiona went like this. After nearly a year of residence there, Fiona owned countless closets full of designer clothing, houses for herself and all her family back in the Philippines, and jewels to rival the Queen of England’s.

“On Christmas, Prince Jefri gave her a present of a million dollars cash and an engagement ring.

“Fiona refused Robin’s proposal and took the first plane home with her clothes, her money, and her freedom.

“No one knew where Fiona lived or how to get in touch with her. I never saw her again, but I think of her sometimes.”

some girls excerpt

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi si "Fiona" ang huling Pilipinang minahal ni Prince Jefri.

Ayon kay Jillian, nagustuhan ng prinsipe ang mang-aawit na si "Iyen."

Lahad ng may-akda sa kanyang autobiography, “While I was busy writing and the Prince was busy on his hajj in Mecca, a new lounge singer named Iyen, showed up.

“She was a pretty Filipino girl with a fondness for I Dream of Jeannie ponytail falls and gauzy harem pants.

“When Robin returned, he fell in love with her at first sight. By the end of two weeks, she wore a ring on her finger the size of Brunei itself.

“I’ve tried to find out if they ever tied the knot, and if so, if they are still together but there is a shroud of mystery around how many wives the Prince actually has and which of them are official,” ang salaysay ni Jillian.

Kung nabasa o mababasa ng mga Filipino celebrity na tinutukoy ni Jillian sa Some Girls: My Life in a Harem, tiyak na alam nilang sila ang nasa autobiography book.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patunay itong may katotohanan at hindi kathang-isip ang mga balita noong dekada '90 tungkol sa mga kaganapan at marangyang pamumuhay ng mga kababaihang naimbitahang maging espesyal na bisita sa palasyo ni Prince Jefri sa Brunei.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Jillian Lauren's autobiography, Some Girls: My Life In A Harem, she mentioned two Filipino celebrities who she claims are part of Brunei's Prince Jefri Bolkiah's harem.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results