Malaki ang hinanakit ng talent manager at movie producer na si Lito de Guzman kay Sean de Guzman, ang sexy actor na kapareho niya ng apelyido pero hindi sila magkamag-anak.
Si Lito ang producer ng Vivamax movie na Mapanukso, kung saan isa sa mga bida si Sean.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Masama ang loob niya kay Sean dahil hindi ito nagpakita sa press conference ng kanilang pelikula na naganap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, noong Miyerkules, Marso 13, 2024.
“Nalunod sa isang tasang kape,” pagsasalarawan ni Lito kay Sean.
Read: Sean de Guzman, muling nakita ang amang umabandona sa kanila
Malaki na umano ang ipinagbago ng aktor mula nang magkasunud-sunod ang mga proyekto nito.
Pahayag ni Lito sa Cabinet Files, “Hirap sa kanya ang handler niya.
"Una, nagpalit si Sean ng handler.
"Pangalawa, pakiusapan pa yung photo shoot para sa publicity.
"Hindi ko akalain na pati itong promo at presscon, hindi niya pupuntahan.
“Matigas na ang ulo niya. Mayabang na kasi.
"I-quote mo ako!” sabi pa niya sa amin.
“Nag-reach out ako sa kanya pero hindi naman niya sinasagot.
“Yung mga taong ganyan, hindi mo maintindihan. Kapag walang trabaho, gustong sumikat! Kapag sumikat na…"

Lito de Guzman and Sean de Guzman
Pagsisiwalat din ng talent manager-producer, “In love siya! At the same time, nahaluan ng bisyo niya. May bisyo siya.”
Ang karelasyon daw ni Sean ay ang kapwa nito Vivamax star na si Hershie de Leon.
Nang makipag-ugnayan ang Cabinet Files sa manager ni Sean na si Len Carillo, wala rin itong alam tungkol sa hindi pagsipot ng kanyang talent sa media conference ng Mapanukso.
Ayon kay Len, “Nag-private message ako sa kanya. I-ask ko sana why wala siya sa presscon.
"Hindi naman po nag-reply. Seen lang siya."
Sinabi ni Len na siya pa rin ang manager ni Sean at hindi ito puwedeng umalis sa kanyang poder dahil may bisa pa ang kontrata na kanilang napagkasunduan.
Read: Sean de Guzman gustong kumawala sa manager na si Len Carillo; Len, naglabas ng saloobin
May panghihinayang na nararamdaman sina Lito at Len sa pagbabalewala na ginagawa ni Sean sa showbiz career nito.
Noong nagsisimula pa lamang ang acting career ni Sean, isa si Lito sa mga tumulong kay Len kaya nalulungkot sila sa inaasal ngayon ng aktor.
Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ni Sean kaugnay ng mga pahayag nina Lito at Len tungkol sa kanya.