PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nicco Manalo: Comparison to Dad Jose Not an Issue

Nicco Manalo, inalala ang pagsisimula nila ni Jerald Napoles sa teatro.
by Jojo Gabinete
Published Mar 19, 2024
nicco manalo pagpag 24/7
Nicco Manalo on similarities with father Jose Manalo: “Noong una, parang hindi ko po napapansin. Pero habang tumatagal, yung nuances talaga, pati yung mga ugali, pati yung paggalaw, talagang sobrang nakuha ko sa kanya. Medyo nakaka-pressure po nang konti pero sa kanya talaga galing.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

May nakakatawang karanasan si Nicco Manalo sa ginanap na mediacon ng pelikulang Pagpag 24/7 dahil nalimutan siyang ipakilala bilang isa sa mga miyembro ng cast.

Nagkaroon ng kalituhan sa pagpapakilala at pagtawag kay Nicco dahil kasama rin sa pelikula si Nikko Natividad, na tukayo niya pero magkaiba ang spelling ng mga pangalan nila.

Humingi ng paumanhin ang media conference host kay Nicco dahil sa hindi sinasadyang pagkakamali.

Si Nicco ay anak ng komedyante at Eat Bulaga! co-host na si Jose Manalo.

Alam ni Nicco na ikinukumpara siya sa kanyang ama pero hindi ito isyu dahil tanggap niyang nagmana siya kay Jose kaya pareho ang kanilang ugali at mga kilos.

Read: Nicco Manalo reveals showbiz lessons learned from dad Jose Manalo

“Opo, wala po akong choice, e,” nakangiting sabi ni Nicco.

“Noong una, parang hindi ko po napapansin. Pero habang tumatagal, yung nuances talaga, pati yung mga ugali, pati yung paggalaw, talagang sobrang nakuha ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Medyo nakaka-pressure po nang konti pero sa kanya talaga galing.”

Read: Jose Manalo proud of his children's achievements

THEATER DAYS WITH JERALD NAPOLES

Kinumpirma ni Nicco na 2007 nang una silang nagkakilala ni Jerald Napoles at nangyari ito sa Virgin Labfest ng Tanghalang Pilipino, ang resident drama company ng Cultural Center of the Philippines.

Napag-usapan ang matagal nang pagkakaibigan ng dalawa dahil mga bida sila sa Pagpag 24/7, ang comedy-horror movie na itatanghal sa mga sinehan sa Marso 20, 2024.

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Sa isang interbyu, sinabi ni Jerald na espesyal sa kanya ang pagsasama nila ni Nicco sa naturang pelikula.

Read: Jerald Napoles, may reunion projects sa kaibigang Nicco Manalo at direktor na si Darryl Yap

Gaya ni Jerald, itinuturing din ni Nicco na importante ang pagsasama nila sa Pagpag 24/7 dahil sa kanilang mga karanasan noong nag-uumpisa pa lamang sila sa pag-arte.

“Kami po ni Je, e, batang teatro.Nagkita po kami unang-una sa CCP, sa Tanghalang Pilipino,” sabi ni Nicco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabay kaming humihiga sa carpet ng CCP, kahit bawal. Pinapangarap lang namin dati itong ginagawa namin ngayon.

“Kumakain kami sa karinderya na hati kami ng ilang ulam lang. Kumbaga, nagsimula talaga kami na kung mangarap, malaki talaga. Sabay kaming nangangarap nang malaki dati.

“To be able to do [this movie] with him, ganoon din sa akin. Yun ang best part of this na magawa namin ito together and ma-share namin sa inyo.

“Hindi kami nahirapan, na-excite ako. Sabay kaming nangarap tapos ngayon, ginagawa na namin so highlight po talaga siya,” pahayag ni Nicco.

Read: Francis M fan Nicco Manalo wants to improve singing skills for rap musical 3 Stars and a Sun

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nicco Manalo on similarities with father Jose Manalo: “Noong una, parang hindi ko po napapansin. Pero habang tumatagal, yung nuances talaga, pati yung mga ugali, pati yung paggalaw, talagang sobrang nakuha ko sa kanya. Medyo nakaka-pressure po nang konti pero sa kanya talaga galing.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results