GORGY RULA
"Virgin" pa raw si Nikko Natividad sa halikan at paghuhubad. Ngayon pa lang daw siya mabibinyagan sa pelikulang Salamat Daks na mag-i-streaming sa Vivamax umpisa March 10, 2023, Biyernes.
Read: Nikko Natividad, aagawan ng trono si Wilbert Ross sa Viva?
Kasama niya sa pelikulang ito sina Alma Moreno at Ayanna Misola, at si Bobby Bonifacio ang direktor.
Sabi ni Nikko, ngayon lang niya nalamang meron palang limang levels ang pagiging daring sa isang Vivamax movie.
“Binibiro ko si Ayanna, ‘Ikaw ang first kiss ko sa isang celebrity sa project ko.’ Kasi wala pa akong natanggap na mga proyekto na may ka-kissing scene ako. Ito po yung masasabi kong daring project ko,” pakli ng dating Hashtag member nang nakapanayam namin sa DZRH nung Martes, March 7.
“Sa Vivamax pala, may mga level pala, level one to five. Hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin nun. In-explain nila na level 5 po yung pinagawa nila sa akin.
“So, sabi naman nila, 'Sexy comedy naman tayo.' Pero level 5 yung mga bed scene talaga, may threesome, may Kama Sutra, may mga ganyan,” dagdag niyang pahayag.
Okay naman daw kay Nikko ang projects na ibinibigay sa kanya ng Viva. Hindi naman daw hubaran lang, kundi sa linya niyang comedy.
Kasama si Nikko sa bagong sitcom sa TV5 na Kurdapya na bida sina Yassi Pressman at Marco Gumabao.
NOEL FERRER
Pero ibang experience daw talaga kay Nikko ang ginawa niyang pagpapa-sexy sa Salamat Daks dahil dito raw niya natutunan kung paano maglagay ng plaster sa kanyang private part. Pinag-aralan pa raw niya ito, dahil first time niyang maglagay ng plaster.
“Siyempre, tinakpan ko po yung tuta na walang tenga,” bulalas ng aktor.
“Tinanong naman ako kung gusto ko mag-plaster. Nanibago po talaga ako kasi hindi ko alam kung paano maglagay ng plaster.
“Nagpatulong pa ako sa make-up artist kung paano gawin yun. Kasi, wala talaga akong idea kung paano siya tinatakpan, e.”
Pero kung bukod sa pagpapaseksi ay magko-comedy si Nikko sa TV5 with Yassi and Marco, ang tanong, e, ano na kaya ang nangyari sa pagiging Kapuso ni Yassi. Tuloy pa ba kaya yun?
JERRY OLEA
Virgin sa hubaran? First time mag-plaster?
E, di ba, noon pa puwetmalu si Nikko sa Instagram?
At sa “Juts Ko, Lord” episode nila ni Dolly de Leon para sa The Kangks Show (2021) ay kitang may plaster siya sa kanilang bed scene?
Sa nasabing episode, naghimutok ang karakter ni Dolly dahil one inch lang ang private part ng karakter ni Nikko.

Dito sa Salamat Daks (na ang original title ay Botox Beauty) ng Vivamax, wagas naman ang kadakilaan ng karakter ni Nikko.
Nao-offend ba si Nikko kapag pinag-usapan ang size ng ari ng lalaki? Para sa kanya, mahalaga ba talaga ang laki ng pagkalalaki?
Ani Nikko, “May nakakausap din akong ibang babae. Para sa akin, hindi importante yung size, e. Importante yung hygiene.
“Kahit gaano kalaki yan, at pag naamoy mo naman napakabaho, walang kuwenta diyan. Hygiene pa rin magkakalabanan diyan, di ba?
“Malinis ka sa ano mo. Tapos mabango ba yan? Kung dyutay yan, kung tigas na tigas yan, walang problema yan.”
Iyan daw ang ipinagmamalaki ni Nikko.
“Ay! Amoy-Downy po ito!”
Maingat daw siya. Kaya meron daw siyang laging may binabaon para manatiling mabango.
“Safe ako, e. Lagi akong nagbabaon ng wipes. Para kung ano, punasan mo lang yung ulo,” diretso niyang sagot.
