PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler's Latest on Child, Doll House Heartache

True-to-life version?
by Jojo Gabinete
Published Mar 23, 2024
Baron Geisler
Tila may konek ang pag-amin ni Baron Geisler tungkol sa pagkakaroon niya ng panganay na anak sa kuwento ng kanyang smash box-office movie na Doll House, kung saan na-reunite siya sa kanyang long-lost daughter.
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram

Ang rebelasyon ni Baron Geisler tungkol sa kanyang mystery daughter ay pumukaw sa interes ng mga mahihilig sa tsismis.

Matatandaang sa YouTube vlog ni Ogie Diaz na in-upload nitong March 14, 2024, may isiniwalat ang aktor tungkol sa kanyang panganay na anak.

Aniya, "I have someone out there. I have a kid out there, another one.

"But for now, I hope someday when things are okay, we'll get to talk with her here, katabi ko na siya dito. 'Hi, anak! Kumusta?'"

Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"

Hindi pinangalanan ni Baron ang tinutukoy na anak, pero hindi mahihirapang manghula ang mga nakasubaybay sa kuwento pati na rin ang mga nakaabang sa galaw ni Baron sa social media.

Anak kaya ni Baron ang dalagang pinupusuan parati ng aktor ang mga posts nito sa social media?

Hindi updated ang public social media accounts ng dalaga dahil panahon pa ng coronavirus pandemic ang huling post nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung babasahin ang comments section, may mga kumbinsidong siya ang anak na tinutukoy ng 41-year-old actor.

May mga nakapansin din sa pagkakahawig nila.

Ang entertainment writer/radio and television host na si Cristy Fermin ang may hawak ng mga ebidensya tungkol sa anak ni Baron na inilihim sa matagal na panahon.

Read: Cristy Fermin, feeling vindicated sa rebelasyon ni Baron Geisler tungkol sa panganay na anak ng aktor

Alam ni Cristy ang kabuuan ng kuwento nang isilang ang anak ni Baron, at kilala niya ang mga personalidad na sangkot para maitago sa publiko ang katotohanan dahil masyadong sensitibo ang sitwasyon noon.

Pero walang lihim na hindi nabubunyag, at sa kaso ni Baron, siya mismo ang naglantad ng iningatang sikreto.

May kasabihan na ginagamot ng panahon ang lahat ng sugat at maaaring may kinalaman ito sa pasya ni Baron na palayain ang sarili mula sa lihim ng kahapon.

Posibleng nakatulong din ang maturity ni Baron para aminin sa publiko ang katotohanang tiyak na lubos na magpapagaan sa kanyang kalooban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marahil, walang intensiyon si Baron na gamitin sa publicity ng Dearly Beloved ang kuwento tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa pagkabinata.

Maaaring ngayon lamang siya nabigyan ng pagkakataon na ipagtapat ang katotohanan dahil may nagtanong sa kanya at nagkataon lang na may pelikula siya na ipalalabas sa mga sinehan sa Marso 30, 2024, ang Dearly Beloved.

Read: Baron Geisler, kinabog sina Paolo Gumabao, Sean de Guzman, Vince Rillon sa pagiging daring sa pelikula

Kung tutuusin nga, may oportunidad na si Baron na sabihin ito nung kasagsagan ng promo para sa pelikula niyang Doll House.

Para kasing inspired by his life ang ilang detalye sa kuwento.

Pero baka hindi pa yun ang tamang pagkakataon.

Read: Why Doll House is Baron Geisler's "renaissance"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tila may konek ang pag-amin ni Baron Geisler tungkol sa pagkakaroon niya ng panganay na anak sa kuwento ng kanyang smash box-office movie na Doll House, kung saan na-reunite siya sa kanyang long-lost daughter.
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results