PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia Montenegro photo with children after Baron revelation

Ano ang ibig sabihin ng pagpu-post ni Nadia ng larawan kasama ang mga anak?
by Jojo Gabinete
Published Mar 25, 2024
nadia montenegro children
Nadia Montenegro (fourth from left) posts a photo with all of her eight children: (from left) Ynna, Samantha, Alyana, Xander, Ayisha, Sophia, Alyssa, and Anykka.
PHOTO/S: @officialnadiam on Instagram

Pitong babae at isang lalaki ang mga anak ni Nadia Montenegro at ng kanyang pumanaw na asawa na si former Caloocan City Mayor Macario "Boy" Asistio Jr. (April 6, 1936 – February 6, 2017).

Sila ay sina Alyssa, Alynna, Alyana, Anykka, Samantha, Ayisha, Sophia, at ang nag-iisang lalaki na si Xander.

Tatlong araw na ang nakalilipas nang ibahagi ni Nadia sa Instagram account nito ang larawan nila ng walong anak niya na nakasaludo sa kanya.

"My Army!! Protected! Strong & Faithful" caption ni Nadia sa kanilang family photo na may hashtag na #FullArmourOfGod.

Read: Get to know Nadia Montenegro's children

Tanging si Nadia lamang ang nakakaalam sa tunay na intensiyon ng pagbabahagi niya sa larawan ng kanyang pamilya.

Pero nabahiran ito ng kontrobersya dahil inilabas ng aktres ang litrato sa panahong mainit na pinag-uusapan ang isyu tungkol sa pag-amin ni Baron Geisler tungkol sa pagkakaroon nito ng anak na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Baron Geisler regrets missed years with first daughter: "I didn't get to hug her"

Maaaring hindi nakarating sa kaalaman ni Nadia na nag-trend ang larawan nila ng kanyang mga anak noong Sabado, Marso 23, 2024, dahil sa mga netizen na napukaw ang curiosity kaya sinilip ang kanyang Instagram post na binigyan ng ibang kahulugan.

Kaya imbes na mamatay ang isyu, parang apoy itong pinaypayan kaya lalong sumiklab.

Aral para sa lahat ang nangyari, lalo na sa mga artista na, kadalasan, sila ang pinagmumulan ng mga isyu tungkol sa kanilang mga sarili dahil sa mga social media post nila.

Read: Nadia Montenegro burst into tears during daughter's The Voice Teens audition

Bihira nang tumanggap si Nadia ng mga acting assignment dahil nagtatrabaho siya bilang political officer ni Senator Robinhood Padilla.

Masipag at mapagkakatiwalaan si Nadia kaya malaki ang kontribusyon nito sa tanggapan ni Robin.

At bilang kinatawan ng isang senador ng bansa, hindi na siya dapat nasasangkot sa mga intriga at kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maiiwasan ito kung iingatan ni Nadia ang mga impormasyon o larawang ibinabahagi sa publiko dahil hindi puwedeng hindi magkomento ang mga taong mahilig sa eskandalo at likas na mapanghusga.

Read: Cristy Fermin, feeling vindicated sa rebelasyon ni Baron Geisler tungkol sa panganay na anak ng aktor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro (fourth from left) posts a photo with all of her eight children: (from left) Ynna, Samantha, Alyana, Xander, Ayisha, Sophia, Alyssa, and Anykka.
PHOTO/S: @officialnadiam on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results