Hindi na nakausap ng entertainment media si Baron Geisler nang matapos ang special screening ng Dearly Beloved dahil masyado siyang naapektuhan ng mga madamdaming eksenang napanood niya.
Ang Dearly Beloved ang pelikula na pinagbibidahan nina Baron at Cristine at nagkaroon ito ng dalawang beses na special screening sa Platinum Cinema ng Gateway Mall noong Sabado ng gabi, Marso 23, 2024.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Baron ang kabuuan ng Dearly Beloved at nagulat siya pero puring-puri niya ang trabaho ng direktor na si Marla Ancheta.
At bilang respeto sa emosyon ni Baron matapos na panoorin nito ang Dearly Beloved, hindi na nakipag-usap sa kanya ang entertainment press kaya nakaiwas siya sa mga tanong tungkol sa “kid out there” niya na isang kontrobersyal na usapin.
Read:
Latest revelation ni Baron Geisler tungkol sa anak, mala-Doll House ang kurot sa puso
ABOUT THE FILM
Ang Viva Films ang producer ng Dearly Beloved na magbubukas sa mga sinehan sa Marso 30, 2024.
Ito ay homage o pagbibigay-pugay sa Relasyon, ang blockbuster relationship movie nina Christopher de Leon at Vilma Santos noong 1982 na mula sa direksyon ng National Artist for Film na si Ishmael Bernal.
Ikinuwento ni Marla na “It was Boss Vincent [del Rosario] who gave this idea that he wanted a story similar to Relasyon of Vilma Santos and Christopher de Leon. I personally got excited because I really have friends in this situation — blended families — that whenever talked about, it’s just among us. Feeling nila, tinatago ba?
“So, I was excited when Boss Vincent told us to develop a story and script with that theme. And I found it challenging because I loved that film.”
Tungkol sa annulment, blended family at mga problema na kinakaharap ng magkarelasyon na may mga anak sa mga dating kinakasama ang kuwento ng Dearly Beloved.
Read:
Cristine Reyes at Baron Geisler, "same wavelength" sa aktingan
Baron Geisler, malaking pasalamat sa kanyang blended family
ABOUT THE CAST
Buong husay na ginampanan nina Cristine at Baron ang mga karakter na kanilang binigyang-buhay, pero hindi lamang sila ang nagpakitang-gilas sa pag-arte dahil magagaling din ang kanilang mga co-stars na sina Felix Roco, Phoebe Walker, Benj Manalo, at ang mga young actor na gumanap na mga anak nila.
Sinuportahan ng mga kapatid ni Cristine na sina Ara Mina at Heidi ang special screening ng Dearly Beloved. Kasama nila na nanood ang kanilang mga supling , pati na ang anak ni Cristine na si Amarah.
Read: Baron Geisler, naging fan ni Cristine Reyes habang nasa rehab