Sa kabila ng bumababang bilang ng mga Pilipinong tumatangkilik sa mga sinehan, patuloy na gumagawa ng pelikula ang movie producer na si Dondon Monteverde at ang direktor na si Erik Matti ng Reality MM Studios.
Dahil ito sa kanilang lubos na pagmamahal sa industriya ng Pelikulang Pilipino.
Si Monteverde ay nag-anunsyo ng mga pelikulang magkakasunod na gagawin ng Reality MM Studios, bagay na magbibigay ng trabaho sa mga artista at sa maliliit na manggagawa.
Bukod sa mga pelikulang nakalinya, mag-uumpisa na rin ang shooting ng proyekto nilang dalawang international series—ang On The Job at ang Anne Curtis-starrer na BuyBust.
“Right now we’re doing already, in production, dalawang series, On The Job and BuyBust,” pahayag ni Monteverde.
“First love namin talaga ni Erik is pelikula. As everyone knows, nag-usap-usap ang mga producer wanting to bring back cinema. So, Erik and I are gonna do our part.
“Aside from just doing a series, we’re producing a number of movies in the coming months. We have four to five projects na naka-line up na.
“We’re doing Gonjiam: Haunted Asylum. We’re shooting that in Taiwan, kasama sa pelikula si Enrique Gil.
"That’s a movie, kasi nga sabi namin, mahal namin ang pelikula. Hindi namin iiwan ‘yan,” sabi ni Monteverde tungkol sa Philippine adaptation ng Gonjiam: Haunted Asylum.
Ito ay adopted sa blockbuster South Korean movie na napanood sa mga sinehan noong 2018 at pinagbidahan ng Squid Game star na si Wi Ha-joon.
“After that, we have a movie with Bea Alonzo, it’s a horror thriller. The title is Maniatica, to be directed by Kerwin Go. Siya yung gumawa ng Keys to the Heart.
“May gagawin kaming isang action movie, Battle Ready, with Brandon Vera, Jane de Leon, and Pauline Lopez.
“We have a Judy Ann Santos horror movie, first quarter next year ang shooting. Lahat yan puro lock-in na kami ni Erik, to actually do those projects.
"Although sa Reality MM Studios, we have in-house directors that we’re also grooming, para at least makarami tayo sa paggawa natin ng content na puwedeng ilabas,” lahad ni Monteverde tungkol sa mga upcoming projects ng Reality MM Studios.
“Sikreto pa” ang sagot naman niya nang itanong ng Cabinet Files ang pelikulang gagawin ni Star for All Seasons Vilma Santos para sa kanilang Reality MM Studios.
Nagbigay rin si Monteverde ng opinyon sa tagumpay ni Matti sa 2024 Series Mania International Festival na ginanap sa Lille, France, mula Marso 15 - Marso 22, 2024.
Si Matti ang nag-iisang Asian na nagwagi ng top prize at tumanggap ng 50,000-Euro grant sa second edition ng scripted incubator Seriesmakers ng Series Mania International Festival, dahil sa proyektong isinali niya, ang The Squatter.
Sinabi ni Monteverde na, “We’re very happy about this, being Pinoys, si Erik and me. We’re happy na we’re able to actually get the top prize.
“It’s been always a dream for Erik to do movies na English-speaking or any dual language, this [The Squatter] may be the first one. Medyo nag-iiba na rin yung mundo ng content ngayon.
“We’re happy to be part of that, and winning it, siyempre, totally makes us really proud to be Filipinos.”