PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Selos Singer Shaira Copies 3 Indonesian Songs

Supporters ni Shaira, sinabing dapat pa ngang magpasalamat si Lenka.
by Jojo Gabinete
Published Mar 31, 2024
shaira selos
Shaira Abdullah Alimudin, who popularized the song "Selos," is now tagged as "Queen of Bangsamoro Pop."
PHOTO/S: GMA Network

Imbes na makasira, nakatulong sa Bangsamoro pop singer na si Shaira Abdullah Alimudin ang kontrobersiyal na isyu ng pangongopya niya sa kanta ng Australian singer-songwriter na si Lenka.

Read: Magna cum laude from CamSur draws flak for plagiarizing valedictory address

Si Shaira ang binansagang "Queen of Bangsamoro Pop" dahil sa kanyang viral hit song na "Selos," na napatunayan na kinopya mula sa 2008 song ni Lenka na "A Trouble Is A Friend."

Si Krishna Ares Glang o AG ang sumulat ng lyrics ng "Selos."

Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, inamin ni AG na remix ng kanta ng kanyang hinahangaang Australian singer ang "Selos."

Ang AHS Productions ang record label ni Shaira.

Nang magreklamo si Lenka ng copyright infringement, kusang-loob na inalis sa lahat ng music streaming services ang "Selos."

Pero lalo itong naging popular sa mga Pilipino dahil isa ito sa mga kantang palasak na narinig nitong Mahal na Araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Online essay tutor sa TikTok, bistado sa plagiarism: “I am sorry to my students."

Umiral ang makitid na pang-unawa ng ilan sa mga tagasuporta ni Shaira dahil sila pa ang nagalit kay Lenka, na para sa kanila ay dapat pang magpasalamat dahil pinag-uusapan ang "Selos" na kinopya mula sa "Trouble Is A Friend."

Hindi nagsimula at natapos sa "Selos" ang mga negatibong isyu tungkol kay Shaira.

Napatunayang tatlo pa sa mga kanta niya — "Forever Single," "Pakboy," at "Machine Gun — ang inakusahanng kinopya mula sa mga Indonesian song na "Masij Mencintainya," "Lagi Syantik," at "Uwiw Uwiw," respectively.

Awit ng Indonesian band na Papinka ang "Masij Mencintainya" na ni-release noong Marso 2013, at ginamit sa kabta ni Shaira na "Forever Single."

Si Siti Badriah naman ang kumanta ng "Lagi Syantik" (2018) na kinopya para sa "Babaero Na Pakboy."

Mula naman sa "Uwiw Uwiw," na pinasikat ni Cita Citata noong Enero 2017, ang "Machine Gun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa ni AG sa remixed song ni Shaira, may disclaimer ang kanilang record label company tungkol sa copyright infringement nang ilabas nila ang "Selos."

Pero malinaw ang paliwanag ni Atty. Jass May Santiago tungkol sa isyu.

Paglilinaw niya, “Ang paggamit kasi ng isang kanta or artistic work or melody ng isang kanta ng walang pahintulot mula sa copyright owner nito ay violation ng ating Intellectual Property Code of the Philippines at maituturing na isang copyright infringement.”

Dapat isaalang-alang ito ng lahat, lalo na sa panahon ngayon ng pamamayagpag ng social media dahil sa talamak na pangongopya, hindi lamang sa mga kanta kundi pati na rin sa mga artikulo, ng mga taong nabubuhay sa pagnanakaw ng intellectual property ng kanilang kapwa.

Read: PAGCOR denies plagiarism allegations on new logo; warns public to be careful from phishing sites

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Abdullah Alimudin, who popularized the song "Selos," is now tagged as "Queen of Bangsamoro Pop."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results