Isang Philippine Facebook pageantry page ang ginamit na halimbawa ni Miss Universe Organization (MUO) chief executive officer Anne Jakrajutatip na nangunguna sa pagkakalat ng fake news tungkol sa kanya at sa mga tauhan at kompanyang pinamumunuan niya.
Ibinahagi ni Anne sa mga tagasubaybay niya ang screenshot ng Facebook pageantry page na naglabas umano ng mali at malisyosong balitang nakatakda siyang dakpin sa Bangkok, Thailand, dahil sa kasong kinakaharap niya.
Read: Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip faces debt problem
Ngayong Miyerkules, Abril 3, 2024, nagbigay ng babala at paalaala si Anne sa mga taong patuloy na naglalabas ng fake news at mga paninira laban sa kanya.
Tiniyak ni Anne na gagawa siya ng legal na hakbang o sasampahan niya ng kaso ang mga nilalang sa lahat ng panig ng mundo na niyuyurakan ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagkakalat ng fake news sa lahat ng uri ng social media platforms.
Read: Miss Universe owner Anne Jakrajutatip calls out reports saying she filed for "bankruptcy"
Pahayag niya: “We will strongly take legal action now around the world with all kind of fake news and smear campaigns related to our executives and our organization.
“My apology in term of talking in Thai language as they are the lawsuits from our corporation to people who had done us wrong locally.
“Right now, our corporate group will expand the capacity of legal teams and audit the accuracy of news in other parts of the world too.”
Sinabi ni Anne na ang mga iginagalang nitong tagasuporta ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para kumilos at gawin ang nararapat para maituwid ang mga maling balita na ikinakalat ng mga taong patuloy na sinisiraan ang reputasyon niya.
View this post on Instagram