Hanggang Disyembre 2024 lamang ang kasunduan sa pagitan ng GMA Network at ng ABS-CBN management tungkol sa pagpapalabas ng It’s Showtime sa Kapuso Network na nagsimula noong Sabado, Abril 6, 2024.
Read: It's Showtime first airing on GMA-7 trends on X; here are the highlights!
Malaking hamon sa mga host at production staff ng Kapamilya noontime show na panatilihin ang mataas na ratings ng kanilang programa para magkaroon sila ng extension o maging pangmatagalan ang pagtatanghal nila sa GMA-7.
Malaking tagumpay ang unang araw ng It’s Showtime sa Kapuso Network dahil nagtala ito ng 6.8% rating sa GMA-7, samantalang 9.7% ang aggregated ratings (GMA-7, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel) ng noontime variety show na inabangan ng publiko.
Samantala, ang katapat nilang Eat Bulaga! ay nakapagtala ng 4.4% aggregated rating sa TV5 at RPTV.
Read: It's Showtime, kinabog sa ratings ang Eat Bulaga! sa salpukan nila noong April 6
Ang mataas na rating ng It’s Showtime sa pilot telecast nito sa GMA 7 ang dahilan kaya ipinaabot ni Vice Ganda ang pasasalamat sa mga tao sa pamamagitan ng isang mensahang napanood sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes nang hapon, Abril 8.
Sabi ni Vice, “Madlang People, Madlang Kapuso, Madlang People sa buong Pilipinas at sa buong mundo, maraming-maraming salamat sa napakataas na pagmamahal na ibinigay ninyo sa amin.
“Salamat po talaga at sana, huwag po kayong magbabago ng pagtanggap at pagmamahal sa amin.
"Magsama pa rin po tayo araw-araw para taasan natin nang taasan ang level ng ating pagmamahalan, saya, every day."
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Kung magpapatuloy ang mataas na rating ng It’s Showtime sa GMA-7, hindi talaga malabo ang posibilidad na magpatuloy ang pagpapalabas ng noontime program ng ABS-CBN sa dating timeslot ng Eat Bulaga! bago nagdesisyon sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na ilipat sa TV5 ang kanilang noontime show.
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5