“She always motivates me to study hard and always pray to God.”
Ito ang pahayag ni Mary Anne Abad sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa kanyang kapatid na si Niña Ruiz Abad (Oktubre 31, 1979 – Agosto 16, 1993).
Read: 8 historical Manila churches na maaaring puntahan para sa Visita Iglesia
Si Niña, na pumanaw sa edad na 13, ay kilala bilang "the girl who always wore a rosary."

Niña Ruiz Abad during her first communion
Malaki ang posibilidad na ideklara siya bilang isa sa mga pinakabatang santa sa kasaysayan ng Catholic Church.
Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files sa nakakabatang kapatid ni Niña na si Mary Anne nitong Miyerkules ng hapon, Abril 10, 2024, tinanong namin ang mga alaala niya tungkol sa kanyang ate noong nabubuhay pa ito.
Sinabi ni Mary Anne na walang masyadong oras noon para makapaglaro sila ni Niña dahil madalas na nagdarasal ang kapatid.
"We don’t have too much playtime because she always prays,” lahad ni Mary Anne.
Read: 12 must-visit churches for Visita Iglesia across the Philippines

Ano ang reaksiyon niya tungkol sa posibilidad na maging santa ang kanyang kapatid?
Tugon ni Mary Anne, “We are all blessed for she is a Filipina.
"For me, may her life and motto 'God first,' inspire and bring people closer to God.”
Read: Traslacion 2024: Everything you need to know

The young Nina Ruiz Abad
May mga kuwento ba ng mga himala dahil sa intercession ni Niña?
“May mga naririnig po,” matipid na sagot ni Mary Anne.
Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?
Kabilang si Mary Anne sa mga saksi nang isapubliko ang opisyal na larawan ni Niña sa Cathedral Church of St. William The Hermit, sa Laoag City, Ilocos Norte, noong Linggo, Abril 7, 2024.

Official portrait of Niña Ruiz Abad
Isa ito sa mga proseso ng pagsisimula, pagbubukas ng pag-uusap, at diocesan phase ng beatification at canonization ni Niña — na mga unang hakbang para maideklara siyang santa.
"Servant of God" ang tawag kay Niña.
Noong nakaraang Linggo, isang banal na misa ang idinaos.
Nagkaroon ng prusisyon ang mga miyembro ng Diocese ng Laoag.
Sinundan ito ng pagbabasa tungkol sa talambuhay niya at ang paghahain ng mga dokumento ng mga testimonya ng mga taong kilala siya at nakaranas ng mga himala sa pamamagitan ng pagdarasal sa kanya.
Read: First Pinoy Pontifical Swiss Guard described by his lola as “shy grandson”

Ginanap din noong Linggo ang unveiling ng unang relic o sagradong kagamitan ni Niña — ang kapirasong tela mula sa kanyang damit.
Tatlumpo’t isang (31) taon na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Niña dahil sa hypertrophic cardiomyopathy, isang uri ng sakit sa puso na walang lunas.

NIÑA RUIZ ABAD SAINTHOOD PROCESS COMMENCES
Inilibing ang kanyang mga labi sa Sarrat Municipal Cemetery sa Laoag City, pero hinukay ito at inilipat sa simbahan ng Santa Monica Parish Church noong Abril 6, 2024.
Noong Hulyo 2023, inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pormal na kahilingang imbestigahan ang buhay ni Niña, na isang inspirasyon para sa lahat ang malakas na pananalig sa Diyos at ang mga mabubuting gawain niya noong nabubuhay pa siya.
Si Bishop Renato Mayugba ng Laoag ang nanguna sa pagsisimula ng proseso sa beatification ni Niña.
Ayon kay Bishop Mayugba, si Niña ay isang mabuting halimbawa ng "piety and fortitude" para sa mga kabataang Pilipino.
Read: Kalbaryo Ni Kristo: 33 years of tradition during Holy Week in Tambo, Parañaque