Ang Seiko Films producer na si Robbie Tan ang nagbigay kay Bridgette de Joya ng break sa pelikula noong 2000 at sa kanya rin nanggaling ang screen name ng dating sexy star.
Matagal nang hindi aktibo sa showbiz at nagtatrabaho ngayon bilang lady guard sa isang paaralan sa lalawigan ng Pampanga.
Read: Bridgette de Joya: former Seiko sexy star is now a lady guard

Bridgette de Joya
Si Robbie ang sumugal kay Bridgette na binigyan niya ng dalawang pelikula—ang Gigil (2000) at Kangkong (2001)—pero hindi kinaya ang mga hamon ng showbiz kaya piniling balikan ang pribadong pamumuhay.
“Well, maganda na kasi, at least, may work siya para suportahan ang mga anak niya,” reaksiyon ni Robbie nang malaman nitong isa nang lady guard ang dating contract star niya.
Sabi pa ng dating film producer, “Palagi kong sinasabi noon sa mga artista ko na ang pagbo-bold ay sa pelikula lang.
"Sa private lives nila, dapat mga disente sila at hindi pakalat-kalat sa mga bar. Huwag magbababad sa mga bar at beerhouse."
Read: Robbie Tan, inilahad ang pagsisimula at pagsasara ng Seiko Films
ROBBIE TAN AND THE SEIKO STARS' SCREEN NAMES
Ikinuwento ni Robbie na Bridgette ang screen name na ipinagkaloob niya para kay Bridgette dahil mestisa ito.
“Inisip kong bigyan ng class si Bridgette. Palagi akong nag-iisip ng mga screen name ng mga artista na madaling bigkasin at malakas ang recall value,” paliwanag ni Robbie.
Si Robbie rin ang responsable rin sa pagbibigay ng mga screen name kina:
Ana Marie Errea (Rita Avila)

Jennifer Adriano (Rosanna Roces)

Abby Viduya (Priscilla Almeda)

Milfe Dacula (Klaudia Koronel)

Ellie Rose Apple (Nini Jacinto)

Jennifer Capio (Margarita Milan)

Anna Marie Falcon (Francine Prieto)

Rosemarie Joy Garcia (Diana Zubiri)

Read: Dating Seiko star Leandro Baldemor, kaya bang mag-Vivamax?
Sa panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Bridgette na nanggaling sa isang American Playboy playmate ang screen name niyang Bridgette.
“Baby Osang” naman ang tawag sa kanya ni Robbie nang pumirma siya ng kontrata sa Seiko Films dahil pareho silang mestisa ni Rosanna.
Dalawampu’t apat na taon na ang nakararaan mula nang talikuran ni Bridgette ang showbiz kaya hindi nakapagtatakang nalimutan na rin nito ang spelling ng screen name na ipinagkatiwala ni Robbie, dahil "Brigitte" ang kanyang ginagamit na pangalan sa social media accounts niya.