PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating Seiko star Leandro Baldemor, kaya bang mag-Vivamax?

Leandro Baldemor, may "ambag" sa best actor awards ni Allen Dizon.
by PEP Troika
Published Apr 11, 2024
leandro baldemor with cap
Leandro Baldemor on his woodcarving business in Paete, Laguna: Ang hanapbuhay, ang carvings, OK. Hindi naman yan mawawala. Saka 16 years na tayo sa woodcarving business, so medyo ano na yan, kumbaga stable na yan kahit papaano. Siyempre may tumal iyan, so hanap ka ng ibang mapagkakakitaan. Huwag tayong umasa sa isa lang. Dapat marami kang pagkukunan.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

May ambag si Leandro Baldemor sa best actor trophies ni Allen Dizon para sa pelikulang AbeNida, na idinirek ni Louie Ignacio.

Ang nasabing pelikula ay kinunan sa hometown ni Leandro na Paete, Laguna, na tinaguriang Wood Carving Capital of the Philippines.

Wood carver ang karakter doon ni Allen. Bago nagsimula ang shooting ay nag-aral si Allen ng wood carving sa studio ni Leandro.

Read: Leandro Baldemor: From bold actor to bold ventures as manlililok

“Pinaturuan ko siya,” sambit ni Leandro nang makatsikahan ng PEP Troika nitong Abril 10, 2024, Miyerkules ng hapon, sa kanyang tahanan sa Paete.

“Binigyan ko siya ng mga tools, at binigyan ko siya ng tao na tututok sa kanya para maghawak ng pang-ukit, pampalo siyempre.

“Makikita kasi sa screen pag di ka marunong pumalo, e. Nandiyan pa yung sinira ni Allen.

“Sinira niya yung mukha dahil kay Katrina [Halili].”

allen dizon in abenida

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Allen Dizon in AbeNida

Kinumpirma ni Leandro na nag-shooting sa studio niya ang “Eksperimento” episode ng Vivamax trilogy movie na Eks, kung saan co-stars ni Yen Durano sina Audrey Avila, at Itan Rosales.

Nauna pang mag-Vivamax ang studio niya kesa sa kanya!

Read: Former Seiko Films sexy star Leandro Baldemor, nagugulat sa kapangahasan ng Vivamax stars

“Sabi ko, saka na, pag handa na ako. Ang taba-taba ko pa,” sabi ni Leandro, na napanood sa Kapuso prime time series na Black Rider starring Ruru Madrid and Matteo Guidicelli.

Taga-Paete na rin si Matteo. Bumili ito ng rancho sa bundok, pagkalampas ng Tatlong Krus.

“Nakita ko na yung rancho dun sa itaas, pero hindi ako nakapasok sa loob. Yung entrada lang ang nakita ko. Nandun yung kabayo niya,” saad ni Leandro.

Nag-bonding na ba sila nina Matteo at Sarah Geronimo sa Paete?

“Hindi pa, hindi pa. Naano ko nga, e, kasi unang-una, HPG [Highway Patrol Group] din siya,” lahad ni Leandro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-training ng HPG. Ako rin, nag-training. Marami kaming mapagkukuwentuhan. Mahilig siya sa nature. Ako, nature din.

“Minsan nga, nasabi ko nga dun sa common friend namin, na sana pag nandiyan si Matteo, sabihan ako para ma-meet ko siya.

“Ako na mismo ang lalapit gawa ng siyempre, siya ang parang bisita natin dito sa Paete. So basta’t dumating siya, puntahan ko.”

Ano bang meron sa Paete at nanatiling nakabase siya rito?

Mabilis na tugon ni Leandro, “Masarap kasing mabuhay dito kasi simpleng buhay lang ang kailangan mo, e.

“Hindi naman kailangang tumaas ang buhay mo dito. Hindi magastos. Kung ano lang meron, puwede. Palengke, nandiyan lang. Gulay, nandiyan lang.”

Read: Leandro Baldemor, ipinakita ang trabaho bilang sculptor ng religious images

NOEL FERRER

Kumusta ang buhay-buhay niya nowadays sa Paete?

“OK naman. Ang hanapbuhay, ang carvings, OK. Hindi naman yan mawawala,” sagot ni Leandro.

“Saka 16 years na tayo sa woodcarving business, so medyo ano na yan, kumbaga stable na yan kahit papaano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre may tumal iyan, so hanap ka ng ibang mapagkakakitaan. Huwag tayong umasa sa isa lang. Dapat marami kang pagkukunan.”

After Black Rider, umaasam si Leandro na makatisod uli ng teleserye na medyo regular na. Bagamat hindi niya bread and butter sa ngayon ang pag-aartista, ayaw itong iwan ni Leandro.

Read: Ruru Madrid "starstruck" working with top action stars for Black Rider

“Simula pa naman, ayokong umano sa showbiz pero malaking bagay ang showbiz gawa ng paghahanapbuhay, nakikilala ka agad,” pahayag ng aktor.

Marami pa rin bang nagpapaukit sa kanya?

Tumango si Leandro, “Oo, marami. Maraming nagtitiwala. Kasi talaga namang ginagawa natin yung best para matuwa yung client natin

“Wala tayong… sabihin na nating kahit mangyari man — hindi naman nangyayari pa — kahit ma-late yan or whatever, e, basta’t maganda yung trabaho. De kalidad.”

GORGY RULA

Pinsan ni Leandro si Krsna Valdellon, first runner-up sa Ginoong Laguna 2024 ng Anilag festival noong Marso 16 sa Provincial Capitol Compound, Sta. Cruz, Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

krsna valdellon

Krsna Valdellon

Bagamat Tourism consultant sa lalawigan ng Laguna si Leandro, wala raw siyang kinalaman sa pagkapanalo ni Krsna.

Ani Leandro, “Walang bias yon. Hindi nga ako nag-apir dun!”

Kasama si Krsna sa pelikulang When Magic Hurts, kung saan bida sina Beaver Magtalas at Mutya Orquia, sa direksiyon ni Gabby Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ba ni Leandro na nag-aartista na rin ang pinsan niya?

“Alam ko naman. Alam ko naman na gusto niya at may pagkakataon, kaya nga humihingi pa sa akin ng advice yung tatay niya kung sino ang lalapitan,” pahayag ni Leandro.

“Sabi ko, ‘Marami tayong puwedeng lapitan,’ pero ang gusto ko kasi, sabi ko kay Krsna, ‘mag-aral kang maigi. Mag-aral ka ng pagkanta, pagsayaw. Mag-workshop ka. Personality development.’

“E, ngayon, medyo bihasa na, baka malay mo! One of these days, after some time, e, makatiyempo ka rin ng iyo, di ba?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Baldemor on his woodcarving business in Paete, Laguna: Ang hanapbuhay, ang carvings, OK. Hindi naman yan mawawala. Saka 16 years na tayo sa woodcarving business, so medyo ano na yan, kumbaga stable na yan kahit papaano. Siyempre may tumal iyan, so hanap ka ng ibang mapagkakakitaan. Huwag tayong umasa sa isa lang. Dapat marami kang pagkukunan.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results