PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, ipinalit kay Rabiya Mateo sa TiktoClock?

Herlene Budol in, Rabiya Mateo out sa TiktoClock?
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2024
herlene bidol rabiya mateo tiktoclock
May palitan nga bang naganap sa pagitan nina Herlene Budol (kaiwa) at Rabiya Mateo (kanan) bilang co-host ng Kapuso morning variety program na TiktoClock?
PHOTO/S: TiktoClock Facebook

Tatlong linggo nang napapanood si Herlene Budol bilang co-host ng TiktoClock kaya hindi puwedeng sabihing siya ang ipinalit kay Rabiya Mateo, na nagpaalam na sa morning variety show ng GMA-7.

Nagpang-abot pa sina Herlene at Rabiya sa TiktoClock bago nawala ang Miss Universe 2020 titleholder sa unang regular show nito sa Kapuso Network.

Natapos na ang kanyang kontrata ang dahilang sinabi ni Rabiya sa Cabinet Files tungkol sa pag-alis niya sa TiktoClock.

Read: Rabiya Mateo, umalis na sa TiktoClock matapos mapaso ang kontrata

Napapanood ang morning variety show ng Kapuso Network mula Lunes hanggang Biyernes.

Pero pansamantalang tuwing Huwebes lang mapapanood si Herlene dahil abala pa ito sa taping niya para sa Black Rider, ang prime time action-drama series na kanyang tinatampukan.

Tulad ni Rabiya, beauty queen din si Herlene dahil siya ang reigning Miss Philippines Tourism, ang titulong kanyang napanalunan nang sumali siya sa Miss Grand Philippines noong 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang ngayon, walang balita kung magiging kinatawan si Herlene ng Pilipinas sa mga international pageant.

Read: Herlene Budol's reaction after winning Miss Philippines Tourism 2023 crown

Ikinalungkot naman ng ibang mga host ang tila biglaang pagpapaalam ni Rabiya na napamahal sa kanila.

Isa si Rabiya sa mga original host ng TiktoClock nang magsimula ito noong Hulyo 25, 2022.

Pinaghihinayangan din ng manonood ang pag-alis ni Rabiya sa naturang programa dahil malaking bagay sa showbiz career niya ang pagkakaroon ng daily exposure sa telebisyo—na pangarap ng ibang mga artista na hindi nabigyan ng katulad na oportunidad na ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7.

Binanggit ni Rabiya sa Cabinet Files na gusto niyang ituon ang atensiyon sa pag-arte. Naghihintay na siya ng bagong proyekto dahil magwawakas na sa darating na Biyernes, Mayo 3, ang Makiling, ang afternoon drama-thriller series na kinabibilangan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May palitan nga bang naganap sa pagitan nina Herlene Budol (kaiwa) at Rabiya Mateo (kanan) bilang co-host ng Kapuso morning variety program na TiktoClock?
PHOTO/S: TiktoClock Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results