Si Cindy Miranda at ang 29-year-old Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit ang mga bida sa Kuman Thong, ang horror movie na mula sa panulat at direksiyon ni Xian Lim.
Read: Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor
Nang matapos ang shooting nila para sa Kuman Thong, nagpasalamat si Max kay Cindy dahil nabigyan ito ng pagkakataong makatrabaho ang former beauty queen sa kanyang unang proyekto para sa isang Philippine movie company.
“It has been such a pleasure working with you,” mensahe ni Max kay Cindy.
Umaasa naman si Cindy na muli silang magkikita ng Thai actor kapag bumisita ito sa Pilipinas para sa red-carpet premiere ng Kuman Thong.
MAX NATTAPOL DILOKNAWARIT
Ang Innocence Bangkok Love Stories, Red Peafowl, The Outing, Manner of Death, at ang Boys Love series na MaxTul ang ilan sa mga proyektong pinagbidahan ni Max.


Hindi inilihim sa publiko ang pagkakaroon ng mental health issues dahil sa matinding depresyon na naranasan niya noong 2023.
Kinunan ang mga eksena ng Kuman Thong sa Bangkok, Thailand. Nag-umpisa ang shooting nito sa naturang bansa noong Abril 28, 2024.
Natapos ang principal photography ng pelikula noong Linggo, Mayo 6, 2024.
xian lim-IRIS LEE RELATIONSHIP
Nong Mayo 2, inilabas ng Esquire Philippines ang panayam kay Xian na umaming nagkakamabutihan sila ni Iris Lee, ang associate producer ng Kuman Thong.
Read: Xian Lim finally confirms real score with Iris Lee
Ang Hello Universe na pinagbidahan ni Janno Gibbs at ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 25, 2023 ang isa sa mga proyekto na pinagsamahan nina Xian at Iris bilang direktor at associate producer.
Hindi baguhang associate movie producer si Iris.
Ilan sa mga nakaraang proyekto niya ay ang Viva Films movies na Video City at Mary Cherry Chua at ang Vivamax movies at original series na Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Araro, High On Sex, at Bela Luna.
Unang inilabas ni Xian sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ni Iris noong Marso 2, 2024 nang magpunta sila sa Bangkok para maghanap ng mga lugar na gagamitin sa mga eksena ng Kuman Thong, isang matibay na pahiwatig tungkol sa kanilang namumuo na relasyon.
At dahil disabled ang comments section ng Instagram account ni Xian, nabigo ang kanyang detractors na batikusin siya tungkol sa paghihiwalay nila ni Kim Chiu at pakikipagmabutihan kay Iris.

Sa naganap na shooting ng Kuman Thong sa Bangkok binigyan ni Xian ng bagong hitsura at kahulugan ang pagiging direktor.
Kahit napakainit ng panahon, maayos na maayos ang kanyang pananamit— naka-polo shirts, slack pants, at leather shoes—habang nagtatrabaho.
View this post on Instagram