PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim: "Everything happens for a reason."

Jennylyn Mercado at Xian Lim, natakot palitan sa Love. Die. Repeat.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2024
xian lim jennylyn mercado love. die. repeat
Xian Lim admits fear of being replaced as Jennylyn Mercado's leading man in Love. Die. Repeat: “Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan. Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn. Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Sa imbitasyon pa lang sa media conference ng bagong drama series para sa GMA Prime na Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim ngayong Lunes, January 8, 2024, may pasabi na kung puwede ang mga katanungan namin ay tungkol na lang sa serye.

Magsisimula na ang Love. Die. Repeat sa January 15, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Black Rider.

Sa mediacon kanina ay narinig naming may instruction na pagkatapos ng question-and-answer portion ay dadalhin na raw agad si Xian Lim sa holding area. Iiwas na ipa-interview sa mga magpapaiwang entertainment press.

Pero nakorner namin si Xian, kasama si Jennylyn, para sagutin ang iba pa naming katanungan.

Nagpaunlak si Xian na harapin kami at sagutin ang mga tanong namin, pero safe ang sagot niya sa tanong namin na kung namatay na ang love sa dating karelasyon, posible pa kayang ma-"repeat" yung love?

Ani Xian, “I think, in life, everything happens for a reason. Yun lang naman po yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumingit si Jennylyn na nangyari sa kanila ni Dennis Trillo na nag-repeat ang love nila sa isa’t isa.

“Kami ni Dennis, di ba, ganun? Nanalo ang pagmamahal,” masayang sagot ni Jennylyn sa amin.

Read: DenJen love story: from first breakup and reconciliation to the wedding

Umulit uli ng tanong ang ilang press kay Xian kung open siya sa posibilidad na magmahal uli sa dating nakarelasyon.

Sagot niya, “Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po yun.

“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.

"Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”

May iba pang tanong na may koneksiyon sa ex-girlfriend niyang si Kim Chiu, pero hindi na ito sinagot ng Kapuso actor.

Read: Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Xian Lim posts breakup message for Kim Chiu

Sabi niya, “Katulad nga po ng paulit-ulit ko pong sinasabi, lahat naman po ng bagay sa buhay natin nangyayari for a reason.

“Hindi man natin alam kung ano yung rason na yun, ngayon, yun po, all we have to do is to move forward for whatever it is.”

Sinundan namin ng tanong kung nasa estado na ba siya ngayon ng moving forward.

“Kailangan lang po talaga nating maging masaya muna. Unahin muna natin yun,” safe na sagot ni Xian.

Hindi na niya sinagot ang paulit-ulit naming tanong kung masaya na ba siya.

NOEL FERRER

Parehong nagpasalamat sina Jennylyn at Xian sa GMA-7 dahil hindi sila naghanap ng kapalit nang natigil ang Love. Die. Repeat dahil sa pagbubuntis ng aktres at natengga ng halos tatlong taon

Sabi ni Jennylyn, “Nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA. Hinintay ako ni Xi.

“Siyempre, puwede naman po akong palitan, di ba? Ilang araw pa lang naman yung na-shoot namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinabahan ako kasi baka hindi na ibigay sa akin, ang ganda pa naman nung project. 'Tapos, first time ko makakasama si Xi.

"So, thankful ako na binigay pa rin nila sa akin.”

Ganun din pala ang nararamdaman ni Xian, na ang buong akala raw niya ay papalitan na siya.

Saad niya, “Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan. Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn.

“Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.”

Dagdag ni Xian, “Uulit-ulitin ko yun na laking utang na loob ko yun.

"Kasi nung in-offer naman sa akin yung Love. Die. Repeat, wala pa po akong nagagawa sa kanila. Yung nakikita pa lang po yung nagawa ko sa other station.

"And I always say I’m grateful and, of course, kay Jennylyn, kasi siyempre i-approve pa niya kung sino ba ang makakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Si Xian? Hmmm sige puwede na rin!'"

“Ba’t ako!” gulat na gulat na bulalas ni Jennylyn.

Kasama nila sa Love. Die. Repeat sina Mike Tan, Ina Feleo, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Ervic Vijandre, Faye Lorenzo, Victor Anastacio, Nonie Buencamino, Malou de Guzman, Shyr Valdez, at Samantha Lopez.

Sa ilalim ito ng direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.

So, yun ang nakuha natin sa presscon: “Things happen for a reason.”

JERRY OLEA

Pinost ni Kim Chiu today sa socmed ang artcard ng character niya sa seryeng Linlang, kung saan co-stars niya sina Paulo Avelino at JM de Guzman.

Ani Kim, “Siya si Juliana, ang asawang pinanggigilan ng lahat!

“Ang seryeng pinanggigilan ng lahat, mapapanood na ng buong-buo sa telebisyon!

Linlang: The Teleserye Version simula ngayong January 22 na sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5! Mapapanood din sa iWantTFC at TFC!”

kim chiu linlang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alin kamo ang mas panggigigilan ng televiewers, ang Linlang o ang Love. Die. Repeat? Kailangan pa bang ulitin iyan?!

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim admits fear of being replaced as Jennylyn Mercado's leading man in Love. Die. Repeat: “Parang ako yung natakot na baka ako’y papalitan. Totoo naman po na ako’y natatakot na baka ako yung papalitan ni Miss Jennylyn. Kasi while waiting naman po, Jennylyn gave us a date naman when she’ll be back. So, I got naman po different projects while Jennylyn was resting and taking care of a baby.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results