PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie, nagsalita tungkol sa relasyong Vic-Coney

Dina Bonnevie, binalikan ang malungkot na bahagi ng kanyang nakaraan.
by Jojo Gabinete
Published May 9, 2024
dina bonnevie fast talk
Detalyadong isiniwalat ni Dina Bonnevie sa Fast Talk With Boy Abunda, na eere ngayong Biyernes, May 10, 2024, ang isang malungkot na bahagi ng kanyang buhay na ngayon pa lamang maririnig ng mga tao.
PHOTO/S: @dinabonnevie on Instagram

Si Dina Bonnevie ang bisita sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood ngayong Biyernes, Mayo 10, 2024.

Taped ang interview ni Boy Abunda kay Dina, pero siguradong pag-uusapan ang mga rebelasyon ng aktres tungkol sa paghihiwalay nila noon ni Vic Sotto dahil kay Coney Reyes.

Read: Dina Bonnevie, binalikan kung paano sila nagkaayos ni Coney Reyes

Hindi uso kay Dina ang salitang off the record kaya detalyado niyang isiniwalat ang malungkot na bahaging iyon ng kanyang buhay na ngayon pa lamang maririnig ng mga tao.

DINA BONNEVIE ON VICO SOTTO

Nagkuwento si Dina tungkol sa reaksiyon ng kanyang mga anak na sina Danica at Oyo Sotto, na nagpakita umano ng kalituhan sa pagdating ni Vico sa buhay nila noong maliliit pa sila.

Si Vico Sotto, na mayor ngayon ng Pasig City, ang naging bunga ng pagmamahalan nina Vic at Coney.

Read: Sotto siblings give Vico the sweetest messages after his victory in Pasig

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nangimi si Dina na magsalita tungkol sa naging epekto sa kanya ng mga sinabi ni Vic nang aminin nito ang pakikipagrelasyon kay Coney.

Ganunpaman, inamin ni Dina ang mga kamalditahan nito noon, na minana umano ni Danica; ang mga pagbabago ng kanyang pananaw sa buhay; ang pagpapatawad kay Coney; at ang paliwanag na walang kasalanan si Vico kaya hindi ito dapat sisihin sa mga nangyari.

Para kay Dina, nakaraan na ang mga nakaraan dahil modern family na sila ni Vic ngayon.

Sa katunayan, kung may gugustuhin siyang makasama sa isang hapunan, sina Vic at Coney ang kanyang pipiliin, para raw makapag-usap sila at tuluyan nang maisara ang kabanatang iyon ng buhay nila.

Read: Dina Bonnevie talks about relationship with Coney Reyes and Pauleen Luna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Detalyadong isiniwalat ni Dina Bonnevie sa Fast Talk With Boy Abunda, na eere ngayong Biyernes, May 10, 2024, ang isang malungkot na bahagi ng kanyang buhay na ngayon pa lamang maririnig ng mga tao.
PHOTO/S: @dinabonnevie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results