Ginugunita ng mga deboto ng Simbahang Katoliko ang Feast of Our Lady Fatima ngayong Lunes, Mayo 13, 2024.
Ngayong araw ang ika-107 anibersaryo ng pagpapakita ng Mahal na Birhen sa mga batang sina Lúcia dos Santos, Francisco, at Jacinta Marto sa Fatima, Portugal noong 1917.
Kabilang ang actress-singer na si Lindsay Custodio sa mga gumugunita sa Kapistahan ng Our Lady of Fatima.
Dahil likas na madasalin, pinili niya ang petsang Mayo 13, 2022 para magpakasal sa simbahan sa kanyang estranged husband na ngayong si Frederick Cale.

Lindsay Custodio and Frederick Cale on their wedding day on May 13, 2022.
Read: Lindsay Custodio, magsasampa ng kaso laban sa non-showbiz husband
Kasabay ng ika-107 anibersaryo ng Our Lady of Fatima apparition ang ikalawang taon ng pag-iisang dibdib nina Lindsay at Frederick noong 2022.
Wala sa isip ni Lindsay na Friday the 13th ang araw nang ikasal sila ni Frederick sa Our Lady of Victories Church sa New Manila, Quezon City.
Isa itong hindi niya makalilimutang okasyon.
Pagkagaling mula sa simbahan, pinilit siya ng lalaking kanyang pinakasalan na dumaan muna sa bangko, habang suot pa ang wedding outfits nila, para ideposito ang mga tsekeng regalo ng kanilang mga ninong at ninang sa kasal.
Iyon ang ginamit na pambayad sa mga gastusin sa wedding reception.
Read: Lindsay Custodio, traumatized bride on wedding day
Unang nagpakasal sina Lindsay at Frederick sa isang civil wedding ceremony noong May 1, 2022, kung saan si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang nag-officiate.
Read: Lindsay Custodio marries non-showbiz fiancé Frederick Cale
Mula nang ilathala ng Philippine Entertainment Portal noong Mayo 8, 2024 ang kakaibang karanasan ni Lindsay, marami ang nakipag-ugnayan sa kanya para mainterbyu siya.
Pero tumanggi ang singer-actress na nakatakdang maghain ng reklamo laban sa asawa niya, ang paglabag sa Republic Act 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children Law.
Matagal nang hindi aktibo si Lindsay sa showbiz kaya nakagugulat ang atensiyong ibinigay ng publiko sa karanasan niya na umani ng maraming komento at reaksiyon mula sa mga taong nakikisimpatiya sa kanya.
Personal na desisyon ni Lindsay ang huwag nang magsalita tungkol sa reklamo na ihahain laban kay Frederick dahil isinasaalang-alang din niya ang kapakanan ng kanyang ina at dalawang anak.
Magalang na humingi ng pang-unawa at pasensiya si Lindsay mula sa online personalities at mga tauhan ng mga news organization na kanyang tinanggihan ang pakiusap na mainterbyu siya sa harap ng kamera dahil nga sa kasong isasampa niya.