Lima at hindi lamang tatlo ang mga babaeng co-host ni Willie Revillame sa bagong programa nito sa TV5.
Pero una munang ipinakilala bilang miyembro ng Win Girls ang TikTok influencer na si Queenay Mercado, ang dating beauty-pageant contestant at social media content creator na si Inday Fatima Kate Bisan, at ang singer-host na si Ana Ramsey noong Miyerkules, Mayo 15, 2025.
Read: Meet The Win Girls: Queenay Mercado, Inday Fatima, and Ana Ramsey
Dalawa pa ang nakatakdang ipakilala ng TV5 bilang co-hosts ni Willie na tiyak na pag-uusapan at imposibleng hindi lumikha ng ingay.
Ipinakita sa naganap na press conference para sa The Win Girls ang "clue" tungkol sa mystery co-hosts ni Willie, pero mahirap hulaan dahil walang mag-iisip na darating ang panahong papasok sila sa entertainment industry.
Kinumpirma nina Ana, Inday Fatima, at Queenay na lima ang miyembro ng Win Girls pero tikom ang mga bibig nila tungkol sa pagkatao ng dalawang personalidad na bubuo sa kanilang grupo.
QUEENAY ON QUALITIES OF A WIN GIRL
Ayon kay Queenay, ang pagpapakatotoo ang isa sa mga katangian kaya napili sila nina Ana at Inday Fatima bilang Win Girls.
“Be natural. Maging totoo lang. Ipakita ang totoong ikaw.
"Kasi si Kuya Wil, kapag nakikita niya yung totoong ikaw, grabe siya mag-appreciate.
"Huwag mahiyain, kapalan ang mukha. Kasi nung nag-audition kami, grabe, kapal po ng mukha.
“Nagawa naman po namin yung best namin. Teamwork po ang nangyari,” paliwanag ni Queenay, na walang kapaguran sa pagsasalita kaya may mga pagkakataong hindi sinasadyang nasasapawan niya sina Ana at Inday Fatima.
Read: TVJ at Willie Revillame, mga bagong haligi ng Kapatid network
ANA RAMSEY: FROM CONTESTANT TO CO-HOST
Hindi naman makapaniwala si Ana na darating ang araw na mabibigyan siya ng pagkakataong maging co-host ni Willie dahil dati lang siyang contestant sa programa ng sikat na TV host.
Kuwento ni Ana, “Very excited ako kasi hindi ko po inisip talaga kasi there was this time na may segment din sa programa ni Kuya Wil sa kabila na nag-join ako ng isang competition, sa isang segment.
“Never ko na-imagine na darating ang panahong magiging co-host niya ako so sobra talagang nagpapasalamat ako.
"May moments na magkakasama kami sa isang table, kumakain, parang hindi ako makapaniwala na ang isang Willie Revillame, makakasama ko sa isang lunch, dinner, at makakakuwentuhan ko nang ganoon kapersonal. Nakakatulala.”
Read: Willie Revillame, dinala kasambahay, driver, staff sa Macau at HK
INDAY FATIMA: BISAYA BY HEART
Ang pagtulong sa mga kababayan niya sa lalawigan ng Sarangani ang isa sa mga adbokasiya ni Inday Fatima.
Labintatlong taon na siyang sumasali sa mga beauty pageant dahil ito ang kanyang naisip na paraan para mabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz.
Saad ni Inday Fatima: “Ako po ay Bisayang Dako, BisDak, so Bisaya by heart talaga.
“Beauty queen din po ako and I’ve been joining pageants for more than thirteen years kaya medyo matagal-tagal na rin po.
“I always thought na kapag sasali ako ng pageant, baka yun ang way ko para mag-artista, para ma-discover.
“Pero mag-iisang dekada na po. Nang mag-vlog na po ako, dun po ako mas nakilala as Inday Fatima.
“Ipinapakita ko po kung sino talaga ako sa probinsiya, umaakyat sa mga puno, simpleng buhay. Dun po ako na-discover just being me.
"Sobrang happy ko po dahil never did I imagine in my life na I will have this opportunity to be on television.
"Sobrang big opportunity, and it’s a leap of faith also because I’ve done hosting lang po sa pageants and this is my first time to be on-screen.
"Kaya I’m sure, sina Mama, naiiyak na rin po."