Noong Sabado, Abril 27, 2024, lumipad si Willie Revillame papuntang Macau, China, sakay ng kanyang private plane.
Kasama ni Willie bumiyahe sa Macau ang kanyang bagong business partner na si billionaire businessman Antonio "Tony" Co, ang may-ari ng Aqua Boracay at Carrascal Nickel Corporation; ang legal counsel na si Atty. Buko dela Cruz; at si Tutok To Win Party-List representative na si Sam Verzosa.
Read: Willie Revillame, hindi totoong ipinagbili ang Cavite mansion at yate kay Tony Co
Isinama rin ni Willie sa Macau ang kanyang mga kasambahay, driver, at Wowowin staff.
Tumawid sila sa Hong Kong at nagpunta sa Disneyland at sa Mongkok night market.
Ang all expense-paid trip sa Macau at Hong Kong ang regalo ni Willie sa kanyang mga matatapat na kasambahay at Goodwill production team bago siya maging abala sa paghahandang para sa muling pagbabalik ng Wowowin sa telebisyon, makaraan ang halos isang taon.
Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5
Nakatakdang bumalik si Willie sa Pilipinas sa Miyerkules, Mayo 1, dahil uumpisahan na nila ng kanyang production staff ang brainstorming para sa bagong game segments ng Wowowin.
Isang araw bago nito, noong April 26, naganap ang pagpirma nila ng kasunduan ng mga executive ng MediaQuest at TV5 para sa nalalapit na pagbabalik sa telebisyon ng Wowowin, ang kanyang game at public service program.
Read: On-cam outbursts of Willie Revillame that had fallouts
WILLIE REVILLAME TO MEET TVJ
Inaasahang magkikita-kita sa Biyernes, May 3, 2024, si Willie Revillame at ang Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Dadalo sila sa Meet the Chairman, ang dinner na inihanda ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan para sa industry partners at contract stars ng Kapatid Network.
Magaganap ang private dinner sa Meralco Lighthouse sa Pasig City.
Read: MVP on choosing between It’s Showtime and TVJ: “It was just a purely business decision.”
Ito ang unang pagkakataong magkikita sina Willie, Tito, Vic, at Joey sa kanilang bagong tahanan, ang TV5, makalipas ang matagal na panahong pananatili ng mga programa nila sa GMA-7.
Read: Willie Revillame, kumpirmadong babalik sa TV5; Wowowin, eere pagkatapos ng Eat Bulaga!?