Labing-isang milyon na ang subscribers ng Vivamax mula sa iba’t ibang panig mundo.
Ngayong Huwebes, Mayo 16, 2024, ipinagdiwang ang bagong milestone na ito sa pamamagitan ng thanksgiving conference sa nangunguna at original Pinoy streaming site.
Ang Vivamax ay bunga ng coronavirus pandemic dahil nagsara ang mga sinehan noong Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Inilunsad ang Vivamax noong Enero 29, 2021.
Ang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar na pinagbidahan nina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina, at Maui Taylor ang unang pelikulang napanood sa naturang streaming platform.
Read: Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, initial offering ng VIVAMAX
Noong Agosto 2021, umakyat sa 600,000 ang subscribers ng Vivamax; 7 million noong Hunyo 202; 11 million ngayong Mayo 2023; at inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na araw.
Bilang pagdiriwang sa 11 million subscribers ng Vivamax, ipinakilala ang labing-isa sa mga bagong miyembro ng lumalaking pamilya ng Vivamax sexy stars sa Viva Café, Araneta Center, Quezon City, ngayong Huwebes ng tanghali.
Ito ang mga bagong Vivamax sexy stars:
Skye Gonzaga

Mariane Saint

Candy Veloso

Jenn Rosa

Alessandra Cruz

Athena Red

Vern Kaye

Christy Imperial

Rica Gonzales

Dyessa Garcia

Arah Alonzo

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
May mga bagong pelikula rin sa vivamax
Isiniwalat din sa naganap na thanksgiving conference ang pamagat ng mga bagong pelikula na mapapanood sa Vivamax.
Kabilang dito ang:
- Sisid Marino
- Sa Iyong Paggising
- Huwad, Balinsasayaw
- Serbidoras
- Mahal Ko Ang Mahal Mo
- Linya
- Kapit-bahay
- Kaulayaw
- Mamalakaya
- Kulong
- Top 1
- Nurse Abi
- Hiraya
- Maliko
- Ang Pintor at ang Paraluman, at
- Cita.
Pati na ang mga proyektong takaw-pansin ang mga titulo—ang Butas, Himas, at Kaskasero.
Read: Vivamax, No. 1 movie ang Rita; may mga offerings at newbies na dapat abangan
Napuno ng Vivamax stars ang Viva Café dahil sa pagdalo ng contract artists na nagbigay ng moral support sa mga bagong kasamahan nila.
Dumalo rin sa naturang pagtitipon ang magkapatid na Vincent at Val del Rosario, ang executives ng Viva Entertainment at Viva Studio, na personal na pinasalamatan ang lahat ng mga tumatangkilik sa Vivamax.
Ang Vivamax ang numero unong streaming platform, hindi lamang sa Pilipinas dahil mainit din itong tinatangkilik sa North America, Middle East, Japan, at Indonesia.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods