PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque, mas madali nang ma-interview after ng breakup

Dominic Roque, pinalitan na ang wallpaper ng kanyang cellphone.
by Jojo Gabinete
Published May 22, 2024
dominic roque interview
Dominic Roque when asked how is he doing now: "Okay naman. I’m doing good. Still doing fine. I mean, yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also."
PHOTO/S: @dominicroque on Instagram

Mula nang maghiwalay sila ng kanyang fiancée na si Bea Alonzo, kapansin-pansing naging mapagbigay o accommodating si Dominic Roque sa mga kahilingang interbyuhin siya ng entertainment media.

Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?

Noong magkarelasyon pa sila ni Bea, hindi madali para kay Dominic ang magpainterbyu.

Personal naming naranasan ito sa media conference ng Gabay Guro noong Oktubre 14, 2022.

Nang matapos ang presscon, halatang umiiwas si Dominic sa mga reporter dahil paalis na sana siya. Pero napakiusapang magpainterbyu ang aktor tungkol sa mga plano niya para sa nalalapit na kaarawan (October 17) ni Bea.

Read: Dominic Roque, "good health" ang birthday wish para sa girlfriend na si Bea Alonzo

Sa Unboxed event ng Mwell Wellness Wearables noong Lunes, Mayo 20, 2024, hindi naging mahirap para sa entertainment press na makapanayam si Dominic dahil mabilis itong nagpaunlak.

Kumusta na siya ngayon?

Sagot ni Dominic, “Okay naman. I’m doing good. Still doing fine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I mean, yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also.

“I’ve been doing contents for myself, for my social media and then I’ve been going around the Philippines for Philippine Loop motorcycle.

“We just finished the Luzon, Visayas, Mindanao, pero meron pa kaming babalikan in Mindanao area.”

Nang kumustahin tungkol sa wallpaper ng kanyang cellphone, natatawang sinabi ni Dominic na pinalitan na niya ito.

Naging kontrobersyal ang cellphone wallpaper ni Dominic dahil kahit hiwalay na sila ni Bea, “hindi sinasadya” na nakitang ang ex-girlfriend at ang aso nito ang wallpaper ng kanyang mobile phone.

Read: Spotted: Bea Alonzo in Dominic Roque's phone lock screen

Nang hanapan siya ng suot na singsing, nakangiting sinabi ni Dominic na susukatan pa lamang siya ng wearable wellness ring.

Nabahiran ng intriga ang ang tanong ng mga reporter tungkol sa singsing dahil noong Pebrero 6, 2024, nakumpirmang ibinalik ni Bea kay Dominic ang engagement ring na ibinigay sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement

Ikinatuwa ng mga reporter ang pagiging accommodating ni Dominic sa mga interbyu pero napansin nilang parang nabawasan ang confidence at star aura ng aktor mula nang maghiwalay sila ng kanyang A-lister girlfriend.

Hhindi nawawala si Dominic sa mga event ng MVP Group of Companies, tulad ng Gabay Guro at Gabay Kalikasan na parehong proyekto ni Metro Pacific Investments Corporation Chief Finance Officer and Chief Sustainability Officer of the Metro Pacific Investments Corporation Chaye Cabal-Revilla.

Ipinaliwanag ni Dominic na dumadalo siya sa mga pagtitipon ng Mwell at PLDT dahil siya ang may hawak ng CSR o Corporate Social Responsibility ng mga nabanggit na kompanya.

Read: Dominic Roque says he's now "okay" after breakup with Bea Alonzo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque when asked how is he doing now: "Okay naman. I’m doing good. Still doing fine. I mean, yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also."
PHOTO/S: @dominicroque on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results