Mukhang kumpirmadong nagkakamabutihan na muli sina Dominic Roque at Bea Alonzo.
Ito'y matapos maispatan ang litrato ni Bea, kasama ang alaga nitong aso, sa lock screen ng cellphone ni Dominic.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
Nitong Huwebes, April 11, 2024, kumalat sa social media ang kuhang video ng isang netizen habang nagpapa-picture kay Dominic sa isang event.
Hawak ng aktor ang kanyang cell. Nang itaas niya ang kamay para mag-peace sign ay biglang bumukas ang kanyang cellphone at nahagip ang lock screen nito.
Sa lock screen, makikita si Bea na nakahiga na nakasuot ng puti habang katabi ang alaga nitong kulay puti ring maltese dog.
Kasunod nito ang pag-upload ni Dominic ng litrato ng alagang aso ni Bea sa kanyang Instagram.
Read: Dominic Roque's camp condemns "malicious and defamatory public statements" of Cristy Fermin
Hindi ito ang unang pagkakataong naghinala ang mga tagahanga nina Bea at Dominic na nagkabalikan na ang dating engaged couple.
Noong April 2, nag-post ng ilang larawan si Bea tungkol sa mga kaganapan ng kanyang buhay noong Marso.
May kuhang selfie sa kanya, picture ng isang bata, mula sa tribute party para sa star builder na si Johnny Manahan, sa pagsasama nila ng kanyang mga dating kapwa Star Magic artists, isang solo picture, birthday party, paglalaro niya ng tennis, larawan ng kanyang alagang aso, at ang pagbisita niya sa isang sikat na library sa South Korea.
Caption ni Bea, "Thank you, March [calendar emoji]"
Kapansin-pansing naka-like dito si Dominic.
April 3, 2024, si Dominic naman ang may post tungkol sa mga kaganapan sa kanyang buhay noong nakaraang buwan.
May larawang may hawak siyang bata, nakikipaglaro sa mga ito sa dalampasigan, pagkain, paglalaro ng tennis, family bonding, panonood ng isang tennis game sa Ateneo, at bonding kasama ang mga Kapuso stars.
Caption niya, "Marso [heart emoji]"
Mabilis itong kumalap ng reaksiyon kunsaan maraming netizens na tagahanga nina Bea at Dominic ang kinilig sa anila'y parehong posts ng dalawa.
Read: Netizens react to Bea Alonzo and Dominic Roque twinning posts
BEA SPOTTED WEARING ENGAGEMENT RING AGAIN
Kahit wala pang pahiwatig na may balikan ngang naganap sa dalawa, malakas ang kutob ng fans na baka sikretong inayos nina Bea at Dominic ang kanilang hindi pagkakaintindihan dahil muli raw isinuot ng aktres ang kanyang engagement ring.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!
Noong March 9, 2024, nag-post si Bea sa Instagram ng isang video slide show ng mga larawan niya habang iniendorso ang isang skincare brand.
Dito, kapansin-pansin ang singsing na suot niya sa kanyang kaliwang kamay.
Read: Netizens ask: Is Bea Alonzo wearing her engagement ring again?
Ngayong taon sana nakatakdang ganapin ang kasal nina Bea at Dominic, pero naudlot ito dahil sa biglaan nilang desisyong tapusin ang kanilang relasyon sa hindi pa malamang dahilan.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
