PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fencer Maxine Esteban, Ivory Coast ang dadalhing bandila

Maxine Esteban, aminadong super fan ni Marian Rivera.
by Jojo Gabinete
Published May 25, 2024
maxine esteban fencer
Fencer Maxine Esteban: “Dumarami na ngayon ang Filipino children na mahilig sa fencing. Dati, nung nag-start ako, walang masyadong naglalaro ng fencing. Pero ngayon, thankfully, sobrang dami na."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @themaxfactor on Instagram

Ang bansang Ivory Coast at hindi ang Pilipinas ang ire-represent ng controversial fencer na si Maxine Esteban sa Championnats d’Afrique na magaganap sa Morocco sa Hunyo 6, 2024.

Pinaghahandaan na rin ni Maxine ang paglahok niya sa Paris Olympics na idaraos mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11, 2024.

Read: Fil-Am fencer overcomes hand injury; now qualified for Paris 2024 Olympics

Filipino-Ivorian na ang citizenship ni Maxine dahil residente na siya ng Ivory Coast.

Nang humarap siya sa mga miyembro ng media kahapon, Mayo 24, 2024, hindi na pinag-usapan ang kontrobersiyang kinasangkutan na may kinalaman sa fencing.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Maxine na ngayong Sabado, Mayo 25, ang kanyang pag-alis sa Pilipinas dahil kailangan na niyang maghanda sa fencing competition sa Morocco na sasalihan.

“Ang next fight ko is sa Morocco para sa African Challenge sa June 6.

“Plano naming mag-training sa Poland o sa Hungary kasi nag-qualify rin ang Poland sa Olympics so may mga training camp sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then pupunta ako sa Paris, dun na uli ako magte-training with the Japanese and French national teams,” lahad ni Maxine.

Hindi raw nababawasan ang pagmamahal ni Maxine sa Pilipinas at ipinagmamalaki niya ang pagiging Pilipino, kahit ang Ivory Coast—na buong-buo ang suporta sa kanya—ang irerepresenta niya sa Paris Olympics.

MAXINE ESTEBAN'S LOVE FOR FENCING

Nagsimula ang hilig ni Maxine sa fencing nang mapanood niya ang The Parent Trap, ang 1998 blockbuster American movie na pinagbidahan ni Lindsay Lohan.

Natuto ng fencing si Maxine sa edad na labindalawa at nag-umpisa ang pagsali niya sa mga international competition noong 15 years old siya.

“At first, nahirapan ako pero nag-start ako ng fencing sa Xavier School na malapit lang sa school ko noon.

“Eventually, nag-start ako mag-training for the national team that’s when nag-improve ako,” lahad ni Maxine tungkol sa magastos na combat sport na kanyang nagustuhan.

Nagpapasalamat si Maxine sa kanyang mga magulang na sina Melvin at Carol Esteban na sinuportahan ang pagmamahal at hilig niya sa fencing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
maxine esteban parents
Maxine Esteban with parents Melvin and Carol
Photo/s: Jojo Gabinete

Saad niya, “They’re supportive. They’re always supportive naman with all the choices that I make in life.

"They would say, ‘Try mo.Try mo.'"

Gaano kagastos ang fencing?

Sagot ni Maxine, “Super gastos, like sa equipment pa lang, sobrang mahal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Every blade, PHP8,000 ang price. Siyempre nababali yon twice a month.

"Tapos may flights pa, hotels kapag may international competitions."

Sa kasalukuyan, solong naninirahan sa Ivory Coast si Maxine kaya nakakaramdam siya ng pangulila sa mga magulang niya at dalawang kapatid.

“Ako lang mag-isa kaya sobrang lonely din minsan. Kasi pag-uwi ko sa bahay, walang tao. Wala akong kausap,” ani Maxine.

Read: Juliana Gomez thankful to boyfie Miggy Bautista for help sharpening her sword fencing skill

MAXINE IS A MARIAN RIVERA FAN

Paborito ni Maxine si Marian Rivera kaya bago siya umalis ngayon sa Pilipinas, ipina-download niya sa kanyang yaya ang mga episode ng Philippine adaptation ng Marimar na pinagbidahan ng hinahangaan na aktres noong 2007.

“I really like Marian Rivera," sambit niya.

"Before, I used to collect lahat ng mga DVD ng Marimar, Dysebel, and Darna. I had all the episodes.

“I met her at the premiere night of Desperadas [2007]. I said, 'Kayo ba talaga ni Dingdong Dantes?'" natatawang kuwento ni Maxine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang planong pumasok sa showbiz ang fencer dahil, aniya, “I am bad at acting.”

HELPING FILIPINO CHILDREN WHO LOVE FENCING

Nang banggitin ng Cabinet Files na popular na ngayon sa mga kabataang Pilipino ang fencing, kinumpirma ni Maxine na marami na ang nahihilig sa naturang sport pero walang panggastos kaya tumutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

“Actually, yun nga ang isa sa mga project ko. Nag-iiwan ako ng mga box sa iba’t ibang countries na pinupuntahan ko—sa USA, Germany, France at Italy.

“Puwede nilang iwan o i-donate ang kanilang mga old equipment na hindi na ginagamit, then ipinapadala nila sa Pilipinas at ibinibigay ko sa mga batang mahilig sa fencing.

“Dumarami na ngayon ang Filipino children na mahilig sa fencing. Dati, nung nag-start ako, walang masyadong naglalaro ng fencing.

"Pero ngayon, thankfully, sobrang dami na.

“Saka walang age limit ang paglalaro ng fencing. Yung magagaling ngayon, thirty plus na sila. Lahat ng Olympians, mga 34, 35 ang age nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Maxine, ang anak nina Congressman Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres na si Juliana Gomez ang isa sa mga kilalang lady fencer.

Read: Juliana Gomez on fencing victory in Thailand: “Confident ako sa mga galaw ko noong araw na iyon.”

Ayon kay Maxine, magkasabay sila ni Juliana na nag-umpisa sa paglalaro ng fencing.

“Nu’ng nag-start ako ng fencing, yun din ang time na nagsisimula siya, so we grew up together.

"Pero nag-stop siya dahil sa volleyball. Bumalik siya sa fencing, recently lang at ibang weapon na ang hawak niya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fencer Maxine Esteban: “Dumarami na ngayon ang Filipino children na mahilig sa fencing. Dati, nung nag-start ako, walang masyadong naglalaro ng fencing. Pero ngayon, thankfully, sobrang dami na."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @themaxfactor on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results