PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiko Estrada, natuto ng disiplina mula kay Gary Estrada

Kiko Estrada, ano ang favorite Gary Estrada movie?
by Jojo Gabinete
Published May 31, 2024
kio estrada and dad gary estrada
Kiko Estrada (left) on his favorite Gary Estrada movie: “I always watch his movies, nung bata pa ako. Nanonood kami sa farm niya ng old movies niya. But that was my favorite, Apoy Sa Puso.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at sa trabaho ang mga natutunan ni Kiko Estrada mula sa kanyang ama na si Gary Estrada.

Ito ang ikinuwento ni Kiko sa mga miyembro ng entertainment press nang ianunsiyong mapapanood na ang pinagbibidahan niyang teleserye, ang Lumuhod Ka Sa Lupa, sa primetime slot ng TV5 simula sa darating na Lunes, Hunyo 3, 2024.

Read: Kiko Estrada, ayaw makatrabaho ang ex na si Heaven Peralejo?

“Discipline. Yan yung one thing na natutunan ko kay Papa kasi dati athlete siya. He was with RP baseball Team before," sabi ni Kiko.

“Discipline, tamang pagkain, he wakes up at this time. And after taping, he has a reset.

“That’s why I also want to get a farm kasi may farm siya. Every time he has a role and he has to be this character, he goes to the farm and he resets.

"Siya ulit si Goryo, siya uli si Gary for his family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kiko ay anak ni Gary sa aktres na si Cheska Diaz.

KIKO'S FAVORITE GARY ESTRADA MOVIE

Sa mga proyektong pinagbidahan ni Gary, ang Apoy sa Puso (1992) ang pinakagusto ni Kiko.

Ipinagmalaki pa nga raw ni Gary sa kanyang anak na ginaya niya sa isang eksena ng Apoy sa Puso ang paraan ng paglalakad ng legendary American actor na si Marlon Brando.

apoy sa puso poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Kiko, “Ang paborito ni Papa, Tag-araw, Tag-ulan. Pero ang paborito ko, yung ginawa niya with Direk Laurice [Guillen] with Dawn Zulueta, yung Apoy Sa Puso.

"That was a nice movie tapos may ginawa siyang walk dun. Ipinakita niya sa akin. He was copying Marlon Brando, he had a leather jacket and he was walking. Nasa corridor siya.

“I always watch his movies, nung bata pa ako. Nanonood kami sa farm niya ng old movies niya.

"But that was my favorite, Apoy Sa Puso.

KIKO ESTRADA ON COUSIN ROB GOMEZ

Kababata ni Kiko ang kanyang pinsang artista na rin—si Rob Gomez, na anak ni Kate Gomez, ang nakababatang kapatid ni Gary.

Si Gary ang kinikilala ni Rob na pangalawang ama dahil madalas siya noon sa farm ng kanyang tiyo sa lalawigan ng Quezon.

Read: Newcomer Rob Gomez, ibinahagi ang payo na ibinigay sa kanya ng inang si Kate Gomez at uncle na si Gary Estrada

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“His mother is the sister of my Papa Gary. I saw him recently sa dinner with Sir Manny Pangilinan.

“It was quick. Parang nagdaanan lang.

"Nag-hi siya sa akin tapos niyakap niya ako and he said, ‘Kailangan natin mag-usap."

Sa kanilang dalawam si Rob daw ang unang nangarapna maging aktor noong mga bata pa sila.

Kuwento ni Kiko, “I know sa first part ng childhood niya, he grew up in the farm and every summer, I go to the farm so we bonded every summer.

“Siya talaga yung unang gustong mag-artista. I remember, he always wanted to be the actor. Ako, I wanna play basketball pero nothing happened.

“Magaling siyang umarte, based on the things I’ve watched.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Estrada (left) on his favorite Gary Estrada movie: “I always watch his movies, nung bata pa ako. Nanonood kami sa farm niya ng old movies niya. But that was my favorite, Apoy Sa Puso.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results