May isang detalye na importanteng hindi lumabas tungkol sa pinaingay at ginawang kontrobersiyal na viral video ng content creator na si Crissa Liaging at ng surfer na si Philmar Alipayo, ang fiancé ni Andi Eigenmann.
Read: Woman talking to Philmar Alipayo in viral video speaks up
Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang asawa ni Crissa ang kumuha ng video ng pagkikita ng kanyang asawa at ni Philmar, na lalong nagpalakas sa mga hinalang ginamit lamang ang fiance ni Andi para madagdagan ang social media followers ng video uploader.
Napansin ng netizens ang video ni Crissa dahil sa inilagay niyang caption: “For how many weeks now, staying here in Siargao finally I saw you”
Binigyan ito ng malisya ng netizens dahil hindi niya binanggit na ang kanyang asawa ang videographer.
Nagtagumpay si Crissa sa ginawa nito dahil naging isang malaking isyu at pinag-usapan ang video nila ni Philmar.
Read: Woman in viral video denies flirting with Philmar Alipayo
Pero naging maagap si Andi sa paglalabas ng reaksiyon.
Sabi niya, “He [Philmar] can go out with friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.
“What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”
Read: Andi Eigenmann breaks silence on Philmar Alipayo viral video

ANDI EIGENMANN TRUSTS PHILMAR ALIPAYO
Nang makausap ng Cabinet Files si Andi sa taping ng My Mother, My Story sa San Fernando, La Union, sinabi niyang buong-buo ang kanyang tiwala kay Philmar.
Ayon kay Andi, alam niya ang mga tipo ng babae na gusto ni Philmar.
Sinasabi raw ni Philmar lahat sa kanya ang mga nangyayari kapag hindi sila magkasama kaya hindi siya nagpaapekto sa kumalat na video.
“Asawa ko” ang mapagmahal na tawag ni Andi kay Philmar dahil sa kanyang katuwiran na kahit hindi pa sila kasal, tunay na mag-asawa na ang trato nila sa isa’t isa.
Read: Andi Eigenmann addresses breakup rumors with Philmar Alipayo
Nagkaroon din ng pagkakataon ang My Mother, My Story host na si Boy Abunda na makausap sina Andi at Philmar.
Ngayong Biyernes ng hapon, Mayo 31, ibinahagi ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda ang kanilang mga napagkuwentuhan sa La Union.
“What happened was uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video, and that’s it.
“It was edited and uploaded to create an issue,” sabi ni Boy tungkol sa video na sinadyang ginawa dahil sa pansariling interes ng ibang tao na binigyan ng malisya ng mga hindi nakakaalam sa tunay na kuwento.