Ang Tanging Ina ang isa sa mga pinakamatagumpay na pelikula na pinagbidahan ni Ai-Ai delas Alas noong 2003 kaya nagkaroon ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat na opisyal na kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2008 at sinundan ng Ang Tanging Ina [ Last na ’To!] na kasali sa 36th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2010.



Makalipas ang labing-apat na taon, plano ni Ai-Ai na muling magsama-sama ang mga artista ng Ang Tanging Ina sa pamamagitan ng isang reunion movie.
READ:
Ai-Ai delas Alas, patuloy ang pagtulong sa ipinapatayong simbahan
Rosanna Roces hopes to end longstanding rift with Ai-Ai delas Alas
AI-AI, MAY GO-SIGNAL NG TANGING INA CO-STARS
Inilahad ni Ai-Ai na nakipag-usap na siya sa mga artista na gumanap na mga anak niya sa Ang Tanging Ina series at payag ang lahat na magkaroon ng bagong bersyon ang kanilang blockbuster movie.
“Actually, kinausap ko na yung mga anak ko, go naman sila, yung mga Tanging Ina na anak ko kasi may chat group kami.
“Sinabi ko sa kanila, kapag ginawa ba natin ito, go kayo?
“Sabi nila, ‘Oo, Mama, go kami diyan. Go kami diyan.’
“O sige, try natin, hahanap ako ng producer tapos gawin natin.”
READ:
Ai-Ai delas Alas not keen on doing another Tanging Ina sequel
PEP REVIEW: "Ang Tanging Ina N’yong Lahat" charms its way into viewers' hearts
AI-AI, willing maging CO-PRODUCER NG TANGING INA REUNION MOVIE
Sa kagustuhan ni Ai-Ai na muling magkasama-sama ang original cast ng Ang Tanging Ina, handa siya na maging isa sa mga producer ng kanyang binabalak na proyekto.
“Ako yung magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema.
“Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano ang magagastos sa ganito, sa ganyan.
“Ang Star Cinema ang may hawak ng rights ng Ang Tanging Ina,” ang sabi ni Ai-Ai tungkol sa proyekto na tila mahirap gawin dahil bukod sa may kanya-kanya nang buhay, naninirahan sa ibang bansa ang ilan sa mga artista na gumanap na anak niya sa Ang Tanging Ina na ipinalabas noong Mayo 28, 2003, dalawampu’t isang taon na ang nakalilipas.
Sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka ang mga gumanap na sampung anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina na mula sa direksyon ni Wenn Deramas na pumanaw noong Pebrero 29, 2016.
READ:
Ai-Ai delas Alas feels big pressure in doing sequel of "Ang Tanging Ina"
Ai-Ai delas Alas reunites with Heart Evangelista, Jiro Manio, Ang Tanging Ina kids
Ai-Ai delas Alas on late Direk Wenn Deramas: "Hindi na 'yon mapapalitan."