Ang huwag paniwalaan ang lahat ng mga mababasa sa Internet ang paalaala ni Kiko Estrada sa lahat dahil mali ang taon ng kanyang kapanganakang nakalagay sa Wikipedia: "June 4, 1995."

Kung ibang artista ang nasa posisyon ni Kiko, paninindigan nilang tama ang kanilang mga edad na nakasaad sa Wikipedia dahil mas pinabata sila.
Pero hindi ang lead star ng Lumuhod Ka sa Lupa ng TV5.
Read: Kiko Estrada, kapansin-pansin ang "Coco Martin vibe"
Paglilinaw ni Kiko, “I am 32 years old and don’t believe the Internet because it’s wrong.
“Pati yung socials na ginawa for me ng team namin, nagkamali ng birth year. Sinunod nila yung nasa Internet na 1995.
"In real life, I was born in 1992."
Pero kahit hindi inamin ang tunay na edad, mapagkakamalan pa ring 29 years old si Kiko dahil marunong siyang mag-alaga ng katawan.
Read: Kiko Estrada, natuto ng disiplina mula kay Gary Estrada
KIKO ESTRADA'S BIRTHDAY CELEBRATION
Kasama ang kanyang pamilya, ipinagdiwang ni Kiko ang kanyang ika-32 kaarawan sa Cala Laiya Resort sa San Juan, Batangas.
At sa tanong tungkol sa regalo niya sa sarili, walang materyal na bagay na sinabi si Kiko dahil higit daw niyang pinahahalagahan ngayon ang kanyang kalusugan.
“My gift to myself is a healthy lifestyle. I will train for a year to do a marathon but the ultimate goal is when I’m 33, I will do an Ironman [Triathlon].
“That’s a 2.4-mile swim, a 112-mile bike, and a 26.2-mile un.
"May half Ironman naman if hindi pa kaya yung full agad, pero yan ang goal," rebelasyon ni Kiko sa Cabinet Files.
Incidentally, ang bagong timeslot ng Lumuhod Ka Sa Lupa ang isa sa mga ibinalita ni Kiko.
Mula sa panghapong programa, mapapanood na tuwing gabi sa primetime slot ng TV5 ang action-drama series ni Kiko. Mangyayari ito sa huling linggo ng Hunyo 2024.
Read: Kiko Estrada, makakapareha ang kanyang Tita Sarah Lahbati