Pumukaw sa atensiyon ng publiko ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan nina Alex Muhlach at Mae Fortaleza dahil sa 52-taong agwat ng kanilang mga edad.
Si Alex ang ama ng dating tinawag na Child Wonder na si Niño Muhlach. Magdiriwang si Alex ng ika-82 kaarawan sa Hunyo 9, 2024.
Samantala, magti-30 years old ngayong 2024 si Mae, na nakasanayang tawagin sa palayaw nitong Maymay.
Read: Alex Muhlach, 82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon
Ang buong akala ni Niño, 55 taon ang agwat ng edad ng kanyang ama at ni Maymay.
Ito ang pinagmulan ng pahayag ni Alex sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na: “52 years lang ang agwat ng aming edad.”

Balanse ang komento ng mga tao: kung may mga negatibo, marami rin ang positibo.
May mga naniniwalang tunay na pagmamahalan ang namamagitan kina Alex at Maymay dahil sampung taon na ang kanilang relasyon.
Humahanga rin sila sa dalawa sa pagpapatunay na walang edad na pinipili ang wagas na pag-iibigan.
Pero may ilan ding nagdududa kung tunay ba ang pagmamahal nina Alex at Maymay sa isa't isa, o baka mayroon silang ibang motibo.
Mayroon ding nababahala dahil sa napakalaking agwat ng kanilang mga edad.
Read: 80-year-old Batangas governor marries 32-year-old lawyer
ANDREW MUHLACH ON UNCLE ALEX'S LOVE LIFE
Hindi na accessible o profile locked na ang Facebook page ni Maymay mula nang maging viral ang kuwento ng pagmamahalan nila ni Alex.
May mga tumatawag sa Muhlach family na nagbabakasakaling makumbinsi sina Alex at Maymay na magpainterbyu sa harap ng kamera at ibahagi sa publiko ang kanilang love story.
Read: This 66-year-old widow finds love in 33-year-old guy via TikTok
Ang Lumuhod Ka Sa Lupa actor na si Andrew Muhlach, pamangkin ni Alex at pinsan ni Niño, ang isa sa mga nag-iwan ng reaksiyon sa official Facebook page ng PEP tungkol sa pinag-uusapang relasyon ng kanyang uncle kay Maymay.
Apat na saluting face emojis, na nangangahulugan ng kanyang paghanga sa pagmamahalan nina Alex at Maymay, ang reaksiyon ni Andrew.

Nagpaunlak si Andrew magbigay ng maikling mensahe nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files.
“Okay ang girlfriend ni Tito Alex. Inaalagaan siya at minahal nang normal.
“Matagal ko na rin siya kilala, simula pa yata nung naging sila.
"Sa totoo lang, sobrang welcome sa amin si Maymay at naging family na rin namin talaga siya,” sabi ni Andrew, bilang pruwebang hindi isyu sa kanila ang malaking agwat ng edad nina Alex at Maymay.
Read: Freddie Aguilar professes his love for teenage wife: "I would love to have her 'til my last breath."
Nag-iwan din ng komento sa Facebook page ng PEP ang isang Aldreich Castro: “Isa ako sa saksing buhay sa relasyon ni Sir Alex at Mae. Masasabi ko na tunay at totoo! Love has no age.”
