PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Philmar Alipayo, ano ang laman ng sulat kay Jaclyn Jose?

Andi Eigenmann, magbi-birthday na wala ang inang si Jaclyn Jose.
by Jojo Gabinete
Published Jun 10, 2024
philmar andi jaclyn jose
Philmar Alipayo (left, with Andi Eigenmann) on late mother-in-law Jaclyn Jose (right): “Sinabi ko na, siyempre, sobrang mahal na mahal ko si Andi. Alam kong mahal na mahal mo rin, na promise na aalagaan ko siya, si Ellie na rin. Kung gaano ko siya [Andi] kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie."
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram / Pau Guevarra for PEP

Likas na mahiyain ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.

Pero nakumbinsi itong magpainterbyu sa Fast Talk with Boy Abunda, matapos ang taping ni Andi para sa My Mother, My Story, sa San Fernando, La Union, noong Mayo 29, 2024.

Ang eksklusibong panayam ni Boy kina Andi at Philmar ay ipinalabas sa GMA-7 nitong Lunes ng hapon, Hunyo 10, 2024.

Sa kauna-unahan at bibihirang pagkakataon, nagkuwento si Philmar tungkol sa sulat na ginawa nito at ipinadala kay Jaclyn Jose para ipaalam ang kanyang intensiyong pakasalan ang anak ng aktres na si Andi.

Read: Philmar Alipayo posts last message from late mother-in-law Jaclyn Jose

Nalaman ng publiko ang kuwento ng sulat ni Philmar kay Jaclyn dahil ang beteranang aktres mismo ang nagbanggit nito.

Read: Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."

Pagkukuwento ni Philmar, “Sinabi ko na, siyempre, sobrang mahal na mahal ko si Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam kong mahal na mahal mo rin, na promise na aalagaan ko siya, si Ellie na rin.

"Kung gaano ko siya [Andi] kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie."

Si Ellie ang anak ni Andi sa dating karelasyon nitong si Jake Ejercito.

Nasaksihan namin sa taping ng My Mother, My Story na tunay na anak ang trato ni Philmar kay Ellie.

Inilahad ni Ellie sa Cabinet Files na natuto siya ng surfing dahil tinuruan siya ni Philmar, ang kanyang pangalawang ama at tatay ng kanyang mga kapatid na sina Lilo at Koa.

andi philmar and kids
Andi and Philmar with children Lilo, Koa, and Ellie
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakda sana ang pagpapakasal nina Andi at Philmar ngayong 2024, ngunit dahil sa pagkamatay ni Jaclyn ay ipinagpaliban muna ito ng engaged couple.

Read: Andi Eigenmann postpones wedding to Philmar Alipayo

ANDI'S FIRST BIRTHDAY WITHOUT JACLYN

Sa Hunyo 25, 2024 ay ipagdiriwang ni Andi ang kanyang ika-34 kaarawan.

Ito ang unang pagkakataong gugunitain ni Andi ang kaarawan na wala ang kanyang nanay dahil sumakabilang-buhay si Jaclyn noong Marso 2, 2024.

Read: Andi Eigenmann regrets not bringing Jaclyn Jose to Siargao

Ipinagtapat ni Andi sa Cabinet Files na mula nang pumanaw ang ina, hindi pa siya pumupunta sa tahanan nila sa Quezon City.

Masakit para kay Andi ang nakabibiglang pagkawala ni Jaclyn kaya mauunawaan ang desisyon niyang huwag munang puntahan ang bahay na pinangyarihan ng isang napakalungkot na bahagi ng kanyang buhay.

Natagapuan ang wala nang buhay na katawan ni Jaclyn sa mismong tahanan ng multi-awarded actress.

Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of a heart attack

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tuwing napag-uusapan si Jaclyn, nalulumbay at hindi pa maiwasan ni Andi na hindi umiyak dahil sa pangungulila sa nanay niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philmar Alipayo (left, with Andi Eigenmann) on late mother-in-law Jaclyn Jose (right): “Sinabi ko na, siyempre, sobrang mahal na mahal ko si Andi. Alam kong mahal na mahal mo rin, na promise na aalagaan ko siya, si Ellie na rin. Kung gaano ko siya [Andi] kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie."
PHOTO/S: @andieigengirl on Instagram / Pau Guevarra for PEP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results