A star is born.
Sa edad na 78, hindi inakala ng ordinaryong maybahay at lola na si Usha Seamkhum na magbibida siya sa pelikulang pinipilahan sa kasalukuyan sa mga sinehan sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Brunei, Laos, at Pilipinas.
Read: Peach Pachara hopes Pinoys will like his Netflix series The Believers
Si Usha ang bida sa Thai movie na Lahn Ma (Grandma’s Grandson) na binigyan ng pamagat na How To Make Millions Before Grandma Dies nang ipalabas ito sa mga sinehan sa iba’t ibang bansa.
Si Usha ang gumanap na A-ma o lola na may sakit na kanser na inalagaan ng kanyang apo na nangangarap magkaroon ng milyun-milyong pera pero nagbago ang mga pananaw sa buhay nang magkasama sila.
Ang Thai heartthrob na si Putthipong Assaratanakul o Bilkin ang gumanap na apo ni Usha sa How To Make Millions Before Grandma Dies.
Mula ito sa direksiyon ni Pat Boonnitipat

Dahil sa bukambibig o word of mouth na maganda at nakakaiyak ang pelikula, kumita na ang How To Make Millions Before Grandma Dies ng 320 million baht mula nang ipalabas sa mga sinehan sa Thailand noong Abril 4, 2024.
Ninety million rupiah naman ang kinita nito sa Indonesia.
Sa Pilipinas ay patuloy na humahakot ng mga manonood ang pelikula nina Usha at Bilkin buhat nang ipalabas ito noong Mayo 29, 2024.
Patunay itong mahal man ang bayad sa mga sinehan sa ating bansa, tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga proyekto na kapuri-puri, kahit banyaga ito.
Read: Janella Salvador paired with Thai actor Win Metawin in Under Parallel Skies
FROM ORDINARY CITIZEN TO A MOVIE STAR
Si Usha ang pinakamatandang baguhang aktres sa Thailand na walang karanasan sa pag-arte at nagkaroon ng commercial project nang makita siyang nag-eehersisyo sa labas ng kanyang tahanan.
Inimbitahan si Usha sa audition para sa papel ni A-ma sa Lahn Ma, at siya ang masuwerteng napili.
The rest is history.
Sa panayam kay Usha ng The Nation Thailand, sinabi niyang maligayang-maligaya siya dahil sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang pelikula.
Pahayag niya: "I'm very happy that the film has touched the hearts of so many viewers. On the day of the premiere, some people hugged me. Others held hands as tears ran down their faces.
“It made me realise that after children and grandchildren watched the movie, they experienced nostalgia for their elderly relatives.
“As for adult viewers, when they watched it, they missed their children and grandchildren. It's a movie that everyone in the family, all 3 generations, should come to watch together and see each other's point of view.
“This movie lets grandmothers know that when their children are working, they may not have time to come see them. But if we miss them, we should call them.
"We don't have to wait for them to call. It's best to show love for each other on the day while we’re still alive."
Read: What exactly happened during Pinoy vs Thai trans women clash in Thailand?