Sinagot na ni First Lady Liza Araneta Marcos ang isyu ng viral wine glass video nila ni Senate President Francis "Chiz " Escudero.
Naiisip ng netizens na napagkamalang waiter ng Unang Ginang ang Senate President dahil sa napanood sa video.
Read: Chiz Escudero, nag-react sa viral video nila ni Liza Marcos
Makikita sa viral video na kinuha ng First Lady ang baso na hawak ni Chiz at ininom ang laman nito.

Pagkatappos nito ay ibinalik niya ang baso sa senador, at saka siya muling binigyan ng isang waiter ng isa pang wine glass.

Nangyari ang insidente sa Vin d’Honneur na ginanap sa Malacañang Palace noong Hunyo 12, 2024, sa pagdiriwang ng ika-126 taon ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
LIZA MARCOS'S STATEMENT ON VIRAL WINE GLASS INCIDENT
Sa pahayag na inilabas ni First Lady Marcos sa DZRH nitong Biyernes, Hunyo 14, sinabi nitong biruan lamang ang pagkuha at pag-inom niya ng champagne ni Chiz.
"We've been friends like forever" ang paglalarawan ng First Lady sa relasyon nila ng Senate President.
Dagdag pa ng Unang Ginang, kung ginawa man niyang "waiter" si Chiz at naging maginoo naman ang Senate President ay sa kanila na lamang iyon.
Buong pahayag ng First Lady: “If truth is to be told, here’s what happened.
"At 10 A.M. yesterday, after greeting 82 Ambassadors and other international organization representatives for over an hour, Bong [President Ferdinand Marcos Jr.] & I entered the Ceremonial Hall and we were ushered to where Chiz + [Speaker] Martin Romualdez were standing.
“When Chiz saw me, he said, 'Wow-bilib din ako sa iyo. May energy ka pa after standing and smiling for over an hour. I’m sure you could use a drink.'
“I laughed and said, 'You bet!' And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him, 'Eeeew, hindi naman malamig ang champagne mo.'
“After that, I gave him his champagne glass back to him. And then we both had a good laugh over that.
“I think the entire exchange took all of 10 seconds.
"I’ve known Chiz since my law school days. He studied in UP and I went to Ateneo. We’ve been friends for like forever.
"So whether 'I made him a waiter' and /or 'he responded like a gentleman' is between us."
Read: Ano ang istorya sa likod ng viral "belat" photo ni First Lady Liza Araneta-Marcos?
CHIZ ESCUDERO'S STATEMENT
Nauna nang nagbigay ng pahayag si Senator Chiz tungkol sa insidente.
Aniya, “I consider waiting on a lady to be gentlemanly. Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang under, pero para sa akin, hindi kailanman magiging makaluma o di uso, anuman ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipagkapwa-tao."
Imbes na maliwanagan ang ibang nakapanood sa viral wine glass video, naghatid pa ito ng kalituhan dahil magkaiba ang pahayag ng First Lady at ng Senate President.
At sa kabila ng paliwanag ng Unang Ginang, isyu pa rin sa ilang nagmamasid ang pag-inom niya mula sa wine glass na hawak ni Senator Chiz, lalo na't nangyari ito sa isang pormal na okasyong dinaluhan ng foreign dignitaries at siya ang asawa ng pinakamataas na pinuno ng bansa.