Trigger Warning: Abuse, Self-harm
"Daddy, I just want to have a calm talk with you, just for once. Calm talk, serious talk and heart-to-heart talk," ang lumuluhang pahayag ni Angeli Khang nang hingin ng Cabinet Files ang Father’s Day message niya ngayong Linggo, Hunyo 16, 2024, para sa kanyang ama.
Dagdag niya, "Let me realize that I want to be close with you. Ma-feel ko kung ano yung feeling ng totoong magka-tatay.
"Huling kausap ko sa kanya was in 2019, before the pandemic, and after that, he still keeps on messaging me, 'how are you, what’s happening to you?'
"Pero sabi ni Mama, huwag na [akong makipag-communicate]."

A QUICK BACKTRACK: ANGELI KHANG AND HER MOM'S ONGOING CASE VS DAD
November 2015 nang kasuhan ng ina ni Angeli ang kanyang South Korean dad ng pang-aabuso o Republic Act 9262: The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Ang ama ni Angeli ay dating heneral sa South Korea at ngayon ay isa sa richest millionaires sa Saipan.
Sa previous interview ng sexy actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isiniwalat niyang pumapasok siya noon sa school na may pasa sa mukha at dugo sa ulo.
Si Angeli ay 11 years old at that time.
Read: Angeli Khang reveals case against her own father still ongoing
ANGELI KHANG ON FORGIVING HER DAD
Dagdag na kuwento niya sa panayam na ito, "He’s a good dad when it comes to how he supports me in my school, my life, but his way of doing it, kailangan straight kang maglakad, straight ang likod mo.
"Kung ano ang kakainin mo, kailangan healthy. Okay naman, but yung example, kumbaga sa food na gusto niya ipakain, kung ang bata, ayaw niya ng gulay, kapag hindi mo kinain, may sapak ka sa akin."
Ano ba ang gusto niyang maging kahinatnan ng kanilang kaso?
Sagot ng 22-year-old VIVA star, "Kahit hindi naman makulong habambuhay."
Maaatim daw niyang makita na nakaposas ang ama "para lang ma-realize niya na mali ang ginagawa niya."
Ang tanong kay Angeli ng Cabinet Files, “Napatawad mo na siya?”
Sagot ng dalaga, “Yes, but what’s wrong is still wrong."
Balewala raw ang pagpapatawad niya kung hindi magbabago ang kanyang ama.
"Ayokong madala sa buhay ko na laging may tanong, 'Bakit mo ito ginawa sa akin? Bakit ganyan ka sa akin?'
"Gusto kong ma-realize niya na mali yung ginagawa niya kasi parang wala lang sa kanya. I want him to have humanity, learn about human life.
"We never get the chance to talk about that. Sana makausap niya ako at magkita uli kami, pag-usapan namin iyon. Gustung-gusto ko.
"And I will take a video dahil marami akong nababasa na baka hindi raw totoo yung mga sinasabi ko.
"Baka raw gumagawa ako ng kuwento dahil wala naman akong pruweba at kung general ba talaga si Daddy?”
Ano ang puwedeng gawin ng tatay mo para patawarin mo siya?
"Talk to me," ani Angeli.
"Make me understand why that happened. Why was your way of teaching me how to grow in life is like that, and now, I’m getting it.
"Natutunan ko iyon sa iyo at kung sino naman ang nagmamahal sa akin, ganoon yung nagagawa ko sa kanila."
Handa raw siyang patawarin ang ama niya kung aaminin nito ang mga pagkakamali at hihingi sa kanya ng paumanhin.
"Hindi pa siya nagso-sorry. He always tell me na one day you will realize, but he never says sorry.”

ANGELI KHANG'S TRAUMA
Malaki ang naging epekto ng physical abuse sa dalaga, at maging sa mga taong naging malapit sa kanya.
"I wasn’t opened up to the right love of a father that’s why I think I’m trying to find sa mga lalake, sa kapatid ko o sa mga naging ex ko before, na hindi ko alam na sila pala yung nasasaktan ko na akala ko, ako yung nasasaktan. Hindi ko mailabas yung galit ko."
Ang mga marka ng hiwa sa braso ni Angeli ang mga ebidensiya ng kanyang pagrerebelde. Imbes na ilabas ang galit sa kanyang ama, naghihiwa siya noon sa sarili.
"Na-fantasize ko ang way of dying. Na normal lang ba na mamatay? Ano ba yung feeling kapag nawala ka na sa mundo?
"Tapos every time na nagkakaproblema ako o nag-aaway kami noon ng ex-partner ko, lagi kong gustong mag-overdose, maglaslas, mamatay.
"Hindi na pala siya normal so dinala ako ng mom ko sa psychiatrist."
Wala siyang kamalay-malay na nasa state of depression na pala siya.
Sa pagpapatuloy ni Angeli, "Sabi ko, okay pa naman ako. Nakakakain naman ako. Hindi naman ako nade-depress. Ano ba yung depression?
"Hindi na pala normal yung fantasizing about death, at yung trauma na nakuha ko sa dad ko, inilabas ko sa mom ko.
"The more na tini-take care ako ng mom ko, the more na ipinu-push away ko siya.”
Hindi ba sumasagi sa isip ni Angeli na naging katulad na rin siya ng kanyang ama?
Sagot ng aktres, ”Yung buhay rin po kasi ng kuya ko nung bata kami, two years pa lang ako, every time na umuuwi ang tatay ko, nagsasara siya ng pintuan habang sinasaktan niya ang kuya ko. “
"Nakikita ko sa ilalim ng space ng door, nagtatakbuhan sila. Pagbukas ng door, yung likod ng kuya ko, hindi kulay pula. Color purple na siya dahil sa sobrang bruised.
"He has big scars.If he is here right now, I am gonna let you show that he has big scars.
"But other than that, kami, yung mom ko, yung kuya ko, we stay together and talk together and up until now the family, I could say, is a real family.”
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.
