PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stell, tumanggap ng standing ovation sa David Foster concert

Stell, pinahanga ang audience sa pagbirit niya ng "All By Myself."
by Jojo Gabinete
Published Jun 19, 2024
david foster stell ajero concert
Stell Ajero of SB19 proves once again that Filipino singers are world class after getting standing ovation at American songwriter David Foster's concert. Stell belted out Celine Dion's version of "All By Myself."
PHOTO/S: Smart Araneta Coliseum Instagram

Gabi ni Stell Ajero ng SB19 ang Hitman, David Foster and Friends na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Martes ng gabi, Hunyo 18, 2024.

Pinatunayan ni Stell na tunay na world class talent ang mga mang-aawit na Pilipino sa concert ng American hitmaker na si David Foster na sponsored ng mWell Smart Ring.

Read: 6 reasons you shouldn’t miss David Foster's eight shows in Manila

Standing ovation ang tinanggap ni Stell mula sa Big Dome audience dahil sa kanyang mahusay na pag-awit sa "All By Myself."

Ang "All By Myself" ay ang kantang nilikha ni Eric Carmen noong 1975, na binigyan ng bagong areglo ni Foster at muling pinasikat ni Celine Dion noong 1996.

STELL WOWS DAVID FOSTER

Hindi lamang ang mga manonood ang pinahanga ni Stell dahil saludo rin si David sa kanyang talento sa pagkanta.

"He’s amazing," pagsasalarawan ni David kay Stell.

Nang ipakilala ni David si Stell sa ikalawang beses na pagbabalik nito sa entablado, "Stella" ang kanyang nasambit na pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang mapagtanto niya ang pagkakamali, humingi siya ng paumanhin sa mapagkumbabang singer.

Sabi naman ni Stell, “It’s fine, it’s fine. I always get that a lot.”

Napuno ng malakas na hiyawan ng manonood ang loob ng Araneta Coliseum nang muli niyang tawagin si Stell sa entablado, kaya pabirong sinabi ni David na, “It’s called the David Foster Show okay, not the Stell show!”

Read: Stell Ajero, tiniyak na di mabubuwag ang SB19 kahit may solo projects sila

THE HIGH NOTE: FROM CELINE DION TO STELL AJERO

Bago inawit ni Stell ang "All By Myself," nagkuwento muna si David tungkol sa reaksiyon ni Celine Dion bago nito ni-record ang nabanggit na kanta.

“When I was making this song with Celine, she complained really a lot about this very high note in the song.

“It’s an impossible note to sing and she hated me that day. And if you ever read her book, page 37 and page 38, she devotes two pages on how much she hated me that day at the studio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We got the job done, she hit the high note and it took her a few tries.

“Tonight, my friend Stell, you only get one try,” sabi ni Foster kaya nag-sign of the cross si Stell.

Read: Stell Ajero, napatunayan ang popularidad sa The Voice Generations

Halatang-halata ang kabang nararamdaman ni Stell dahil pagdating sa parte sa mataas na nota ng kanta na inirereklamo ni Celine, kapansin-pansin ang pag-usal niya ng dasal bago siya bumirit.

Dumagundong ang loob ng Big Dome dahil sa malakas na palakpakan at hiyawan ng mga taong nagbigay ng standing ovation kay Stell. Parang sinaniban si Stell ni Celine.

Ramdam na ramdam sa loob ng Big Dome ang pagmamalaki ng ating mga kababayan sa Pinoy singer na hindi nagpahuli sa husay ni Brian McKnight, ang multi-awarded American R&B singer na isa sa mga espesyal na panauhin ni David sa concert nito.

Tuwang-tuwa ang American guitarist ni David sa napakataas ng boses na pagkanta ni Stell kaya hindi niya napigilang magtaas ng kamao habang itinaas din ni Foster ang dalawang kamay habang tumutugtog ng piano na tanda ng pagsaludo niya sa Pinoy singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FRONT ACT

Malinaw na proud Filipino moment ang nasaksihan ng lahat at nadagdagan ang mga tagahanga ni Stell.

Natural ang kababaan ng loob ni Stell dahil sa mga panayam sa kanya bago naganap ang concert, sinabi niyang opening act lamang siya sa concert ni David.

Hindi ipinagmalaki ni Stell na binigyan siya ni David ng oportunidad na magkaroon ng espesyal na partisipasyon sa pamamagitan ng pagkanta sa sikat na awit ni Celine.

At sa kanyang opening act, walang kayabang-yabang na ipinakilala ni Stell ang sarili, isang karakter niya na katangi-tangi kaya nagmarka siya nang husto sa mga tumangkilik sa jampacked concert ni David.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stell Ajero of SB19 proves once again that Filipino singers are world class after getting standing ovation at American songwriter David Foster's concert. Stell belted out Celine Dion's version of "All By Myself."
PHOTO/S: Smart Araneta Coliseum Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results