PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krista Miller, ginagawang good karma ang bad karma

Krista Miller, ayaw nang balikan ang pagkakakulong niya noon.
by Jojo Gabinete
Published Jun 19, 2024
krista miller karma premiere
Krista Miller: “Kung nakakaranas naman ako ng bad karma, tine-take ko siya as good karma for me to learn sa past experiences ko.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Ang Karma, ang pelikula ng Viva Films na nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, Hunyo 19, 2024, ang comeback mainstream project ni Krista Miller.

Ito ay matapos niyang makalaya noong Mayo 25, 2018 mula nang dakpin siya dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) noong Setyembre 30, 2016.

Read: Krista Miller arrested in buy-bust operation in Quezon City

Maikukumpara sa madramang teleserye ang kuwento ng buhay ni Krista dahil nasa loob na ito ng piitan nang ipinagtapat niyang limang buwan na ang sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Hindi na nalaman ng publiko kung saan isinilang ni Krista ang kanyang anak dahil pinili niyang manahimik at pangalagaan ang pribadong pamumuhay.

Read: Krista Miller admits pregnancy amid imprisonment due to illegal drug trade

KRISTA MILLER ON BAD KARMA

Nang humarap si Krista sa entertainment press sa ginanap na media conference ng Karma, isa sa mga tanong sa kanya kung naniniwala ba siya karma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniniwala rin po ako sa karma,” sagot ni Krista.

“Kung nakakaranas naman ako ng bad karma, tine-take ko siya as good karma for me to learn sa past experiences ko.”

Read: Krista Miller on life after imprisonment: "Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang buhay ko."

Ano ang bad karma na kanyang naranasan?

Sagot ng dating sexy star, “Siguro yung past issues ko, pero tine-take ko nga siya as good karma para maging okay yung future.”

Pero hindi na siya nagdetalye tungkol sa kanyang halos 20 buwang pagkakabilanggo sa kulungan at pagsisilang ng pangalawang anak. Indikasyon ito ng kanyang pagbabagong-buhay kaya iniiwasan na niyang mapag-usapan ang masalimuot na nakaraan.

Read: Krista Miller opens up about past controversies: “Life must go on, e.”

Inaresto si Krista sa Valenzuela City dahil sa pagbebenta niya ng shabu na nagkakahalaga ng PHP3,000 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Makalipas ang halos dalawang taong pagkakakulong, pinawalang-sala siya ni Judge Snooky Maria Ana C. Bareno-Sagayo ng Branch 283 ng Valenzuela Regional Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Krista Miller acquitted; drug raps dropped

PAOLO PARAISO ON KARMA

Isa sa mga kasama ni Krista sa Karma si Paolo Paraiso.

Tulad ng former sexy star, naniniwala siya sa karma pero nagpapasalamat ang aktor dahil mga good karma ang nangyayari sa kanya.

Sabi ni Paolo, "Naniniwala ako sa karma dahil buong buhay ko, isa yon sa mga pinapaniwalaan ko na 'you do good to others and everything good will happen to you."

“So far naman, lahat ng karma ko sa buhay, maganda, and I am very thankful for that.”

Read: OMB board member Paolo Paraiso, namroroblema sa piracy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Miller: “Kung nakakaranas naman ako ng bad karma, tine-take ko siya as good karma for me to learn sa past experiences ko.”
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results