PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krista Miller relates how prison made her a better person

Krista Miller: "Lahat naman po tayo nagkakamali lahat."
by Arniel C. Serato
Published Oct 29, 2021
Sexy star Krista Miller joins the stellar cast of Buy Bust Queen, the advocacy movie of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), years after being jailed because of drug charges.
PHOTO/S: Courtesy: Kristalyn Engle / PDEA on Facebook

Aminado ang comebacking sexy actress na si Krista Miller na ang kanyang pagkakakulong noon dahil sa droga ang isa sa pinakamalaking pinagsisisihan niya sa buhay.

Naaresto si Krista at dalawang modelo sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong September 2016.

Nakulong siya sa Valenzuela City Jail sa loob ng isang taon at walong buwan dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Napawalang sala siya ng korte noong May 2018.

“Ang daming realizations that time na sobrang tumulong sa akin kung ano ako ngayon.

“Na-jail po ng one year and eight months.

“Na-involve po ako sa ganung isyu and then... basta po ang daming realizations lahat,” pahayag ni Krista sa Calamansi App podcast ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules ng gabi, October 27.

Labis daw itong pinagsisihan ni Krista.

Saad niya, “Lahat naman po tayo nagkakamali lahat. Hindi naman po natin maidi-deny 'yan.

"Ang mahalaga po sa akin ngayon kasi ay kung ano po yung ginawa ko sa sarili ko, kung paano ko ginawang better version yung sarili ko after nung nangyari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After po nun, ang dami ko pong ginawa, nag-aral ako, and nagtrabaho ako."

Nang nakulong si Krista, anim na buwan pa lamang ang panganay niya at buntis din siya noon sa kanyang pangalawang anak.

Masakit daw para kay Krista na mawalay sa kanyang panganay na batang-bata pa noon.

Pahayag niya, “Dun po sa jail mismo, andun na po lahat, may mga Bible study. Lahat mapagtanto-tanto mo talaga ang mga bagay-bagay dun sa loob.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lalo na po yung one year and eight months, imagine, every day kang nagdadasal na sana maging maayos lahat, ganyan.

“Sana bigyan ka pa ng chance na makasama mo yung family mo.”

Ngayon, nagbabalik-showbiz si Krista. Kasama siya sa advocacy movie ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naBuy Bust Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumirma rin siya sa Viva Entertainment para sa iba pa niyang pelikulang gagawin.

Para makapakinig ng PEP.ph podcast, mag-download ng Calamansi App sa Google Play or sa App Store.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Krista Miller joins the stellar cast of Buy Bust Queen, the advocacy movie of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), years after being jailed because of drug charges.
PHOTO/S: Courtesy: Kristalyn Engle / PDEA on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results