PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, boluntaryong nagpakalbo para sa pelikula

Ryza Cenon, natupad ang pangarap magpakalbo.
by Jojo Gabinete
Published Jun 21, 2024
ryza cenon bald
Ryza Cenon on why she decided to shave her head: “Actually, hindi naman po siya nire-require. Ako po mismo yung nagsabi na magpapakalbo ako. For me, mas okay siya sa karakter ko at nag-look test po kami, hindi ko trip yung prostethics, hindi ko gusto yung hitsura. Parang sabi ko, mas okay kung kalbo talaga. Mas makakatulong siya sa karakter ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Isa sa bucket list ng aktres na si Ryza Cenon ay ang magpakalbo.

Natupad ito nang tanggapin niya ang karakter ng madre sa Lilim, ang horror movie ng Studio Viva na mula sa direksiyon ni Mikhail Red.

Read: Ryza Cenon addresses bashers calling her "walang utang na loob"

Nang magbuntis si Ryza sa kanyang anak na si Nate noong 2020, nagplano na siyang magpakalbo. Pero hindi pumayag ang Viva Artists Agency, ang talent management agency ng Viva Entertainment na namamahala sa showbiz career niya.

“First time kong magpakalbo,” sabi ni Ryza nang makausap siya ng Cabinet Files sa shooting ng Lilim , sa Christ The King Church compound, sa Quezon City, ngayong Biyernes ng gabi, Hunyo 21, 2024.

“Actually, hindi naman po siya nire-require. Ako po mismo yung nagsabi na magpapakalbo ako.

“For me, mas okay siya sa karakter ko at nag-look test po kami, hindi ko trip yung prostethics, hindi ko gusto yung hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang sabi ko, mas okay kung kalbo talaga. Mas makakatulong siya sa karakter ko."

Pagpapatuloy ng aktres, “Mas mabilis po ngayon, lalo na may Eddie Garcia Law. Kailangan lahat mabilis so makakatulong itong pagpapakalbo ko para mag-save time.

“Kasi ang prosthetics, kung lahat kami iba-bald cap, hindi lang po mga artista, the talents also, matagal-tagal po yon kaya nakabawas po ako.”

Read: Ryza Cenon details "malala" period of depression

ryza cenon bald
Ryza Cenon debuts her bald look for the movie Lilim
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RYZA'S SON REACTION TO HER BALD HEAD

Bagay na bagay kay Ryza ang bagong hitsura nito dahil isa siya sa mga pinakamagandang babae na nagpakalbo na aming nakita.

Gustung-gusto rin ng three-year-old son ni Ryza na si Night ang pagpapakalbo niya dahil, diumano, ayaw ng kanyang anak ang buhok.

Kuwento ni Ryza, “Natuwa naman po siya. Ayaw niya sa buhok, actually.

"Ayaw po niya ng buhok so nandidiri po siya sa buhok. Kaya nung nakita niya po na kalbo ako, tuwang-tuwa siya.

“Every time na hinahawakan niya ang ulo ko, para siyang kinikiliti, tawa siya nang tawa.”

Lilim ang pamagat ng pelikulang pinagbibidahan nina Ryza at Heaven Peralejo Nilinaw ni Ryza na kakaiba ang kanilang proyekto dahil hindi ito tungkol sa mga multo.

“Hindi ito yung may mga manggugulat na multo. Hindi po ganoon,” paglilinaw ni Ryza.

Aminado si Ryza na may third eye siya kaya may mga nararamdaman siya sa paligid mula pa sa kanyang pagkabata, pero hindi niya masyadong binibigyan ng atensiyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon on why she decided to shave her head: “Actually, hindi naman po siya nire-require. Ako po mismo yung nagsabi na magpapakalbo ako. For me, mas okay siya sa karakter ko at nag-look test po kami, hindi ko trip yung prostethics, hindi ko gusto yung hitsura. Parang sabi ko, mas okay kung kalbo talaga. Mas makakatulong siya sa karakter ko."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results