Kabilang si Mister Supranational Philippines Brandon Espiritu sa anim na kandidato ng Mister Supranational 2024 na nagwagi sa Mister Influencer Opportunity.
Nanalo siya para sa YouTube Challenge.
Kasama ni Brandon na napili bilang mga Mister Influencer Opportunity sina Guillermo Layus ng Argentina, Thet Oo Maung Maung ng Myanmar, Fezale Mkhize ng South Africa, Chonlawit Wongsriwor ng Thailand, at Do Quang Tuyen ng Vietnam.
Read: Alethea Ambrosio crowned The Miss Philippines, Brandon Espiritu is Mister Pilipinas Worldwide
View this post on Instagram
Sa pamamagitan ng social media platforms competition, dalawa sa anim na Mister Influencer Opportunity na mahahalal ang tiyak magkakaroon ng puwesto sa Top 20 semifinalists.
Magaganap ang grand coronation ng Mister Supranational 2024 sa Nowy Sacz, Poland, sa Hulyo 4, 2024.
ELUSIVE MISTER SUPRANATIONAL TITLE
Hinihingi ang suporta ng mga Pilipino para kay Brandon para lalong lumaki ang tsansa nitong makuha ang korona ng Mister Supranational na nananatiling mailap sa Pilipinas.
Bukod sa mahalal siya bilang isa sa dalawang mapipiling Mister Influencer Opportunity, hinihingi rin ang tulong ng ating mga kababayan para iboto si Brandon sa Supra Fan-vote.
Nagsimula ang botohan para sa Supra Fan-Vote noong Hunyo 18, 2024, at matatapos ito sa gabi ng koronasyon sa Hulyo 4.
Kapag mataas ang mga boto kay Brandon, tiyak na ang pag-abante niya sa Top 10 ng Mister Supranational 2024.
Ginanap ang opening ceremony ng Mister Supranational 2024 noong Lunes, Hunyo 24.

Tumanggap ng malakas na palakpakan si Brandon nang ipakilala niya ang sarili bilang kinatawan ng “beautiful, fun, and resilient country of the Philippines.”
Sabi ng 30-year-old Filipino delegate na may taas na 5'11": “Fun fact is I am from Guam, I was born and raised there for 18 years.
“Not so fun fact, back in 2018 was one of my lowest points. I went through being homeless, living out of my friends couches, thank God, I have good friends.
“But in that point in time, I was serving tables, I was hopping couches and I was selling shoes out of my trunk to make a way.
“Happier fact is that same person today is proud to be an owner of a restaurant, bar, and café in one of the most progressive growing cities in the world, Manila.
“So I am not here to be a pageant king. I’m here to be an ambassador and to elevate the Supranational brand, and like I am doing so, being a beacon of hope and showing people that your dreams can be a reality.”
Trivia: Si Alberto Rodulfo "AR" Dela Serna ang unang Pilipinong naging kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang Mister Supranational na idinaos noong Disyembre 3, 2016, sa Krynica-Zdroj, Poland.
Hindi pinalad manalo si AR na manalo, pero pinagkalooban siya ng special award na Mister Internet at kasama siya sa Top 20 candidates.
Makalipas ang walong taon, gumawa ng ingay sa Internet ang pangalan ni AR dahil sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiyal na isyu na travel companion siya ni former presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Read: AR De La Serna, ano ang tunay na ugnayan kay Harry Roque?