Makalipas ang labing-apat na taon, muling binalikan ni Jillian Ward ang lugar na naging malaking bahagi ng buhay niya—ang bahay sa Tagaytay City na ginamit bilang bahay sa Trudis Liit.
Ang Trudis Liit ay ang afternoon drama series na kanyang pinagbidahan at napanood sa GMA-7 mula Hunyo 21, 2010 hanggang Oktubre 22, 2010.
Read: PEP BEST BETS 2024: The Next Big Thing!
Ang Trudis Liit ang pinakamalaking proyekto ni Jillian sa telebisyon noong limang taon gulang pa lamang siya at nagpabago sa takbo ng dating simple at normal na buhay niya.

Bumalik si Jillian sa makasaysayang bahay dahil dito naganap ang panayam sa kanya ni Boy Abunda para sa My Mother My Story, ang special limited talk series na mapapanood sa Kapuso Network sa Hulyo 13, 2024.
“It feels good,” sabi ni Jillian nang itanong ng Cabinet Files ang pakiramdam niya sa muling pagyapak sa bahay na nagbigay sa kanya ng masasayang alaala noong nagsisimula pa lamang siyang child star.
Parang bumalik si Jillian sa pagkabata nang sabihin nitong hindi niya nalilimutan ang partikular na amoy ng loob ng bahay at ng kuwartong nagsilbi bilang kanyang dressing room sa tuwing may taping siya para sa Trudis Liit.
Halos walang ipinagbago ang bahay kaya natatandaan pa ni Jillian ang kuwento ng bawat sulok ng tahanan dahil, tulad ng kanyang sinabi, may photographic memory siya.
Read: Jillian Ward: "Minsan nakakalimutan ko na artista ako."
JILLIAN WARD TALKS ABOUT HER MOTHER
Tungkol sa relasyon nila ng kanyang ina na si Jennifer ang ikinuwento ni Jillian kay Boy, at nakagugulat ang mga bagong rebelasyon niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinamalas ni Jillian ang angking katalinuhan sa pagsagot sa lahat ng mga katanungan ni Boy tungkol sa kanyang personal at propesyunal na buhay.
Buong katapatan at walang takot na sinagot at nilinaw ni Jillian ang lahat ng mga kontrobersiyal na isyung kinasangkutan na repleksyon ng malaking impluwensiya at pagpapalaki sa kanya ng nanay niya.
Imposibleng hindi pumatak ang mga luha ng nanay ni Jillian kapag napanood nito ang tell-all interview sa kanyang anak.
Gaya nang hindi napigilan na pag-iyak ni Jillian habang inilalahad nito ang mga karanasan bilang child star, nang tumuntong siya sa awkward age, nabawasan ang kanyang mga proyekto, at ang tagumpay niya ngayon bilang teenage actress.
Read: Jillian Ward refuses to reveal her real crush in local showbiz