PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward Gifts Car to Handler

So generous!
by Jojo Gabinete
Published Nov 5, 2023
Jillian Ward
Generous si Jillian Ward, na nagregalo ng kotse sa kanyang handler, kaya naman, inuulan din siya ng mga biyaya at projects.
PHOTO/S: @jillian on Instagram

Sasakyan ang iniregalo ni Jillian Ward sa handler niya sa Sparkle GMA Artist Center.

Ito ang paraan niya ng pagpapakita ng taos-pusong pasasalamat sa taong nag-aasikaso sa kanya, at itinuturing niyang pamilya.

Si Jillian ang isa sa mga masasabing prized possessions ngayon ng GMA-7 dahil pinagbibidahan niya ang Abot-Kamay na Pangarap, na nag-umpisang umere ito noong September 5, 2022, kaya mahigit isang taon nang tinatangkilik ng publiko.

Read: At 17, Jillian Ward buys brand-new Porsche: "My first sports car."

Matatagalan pa raw ang pagtatapos ng top-rating afternoon drama series, ayon sa isang GMA-7 insider.

Mapapanood daw ito hanggang 2024.

Read: Allen Dizon, niregaluhan ng kotse ang sarili mula sa TF sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

JILLIAN'S MOVIE PROJECTS

Bukod dito, dalawang pelikula ang gagawin ni Jillian.

Isa rito ang proyektong pagsasamahan nila ni Senator Bong Revilla Jr. na malapit nang umpisahan ang shooting.

Ang isa pa ay ang pelikulang pagtatambalan nila ng kapwa niya dating child star na si Zaijian Jaranilla , pero mangyayari ito sa 2024 dahil abala pa siya sa taping ng Abot-Kamay na Pangarap at ibang mga showbiz commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang showbiz career ni Jillian sa GMA-7 noong 2010, na siya ring taon na naging bida siya sa Trudis Liit.

Nagsimula naman si Zaijian sa ABS-CBN noong 2008, pero 2009 and 2010 nung naging bida siya sa May Bukas Pa.

Read: Dina Bonnevie recalls May Bukas Pa fans threatened her with armalite, umbrella: “Lintek naman, dahil lang sa role mamamatay pa ako.”

JILLIAN'S SINGING CAREER

Ang singing career ni Jillian ang isa sa mga dapat din niyang pagtuunan ng pansin nito dahil marunong siyang kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Child star pa lang si Jillian, nakitaan na siya ng galing sa pag-perform.

Sweet ang timbre ng kanyang singing voice.

At kahit 18 na siya, walang-wala pa raw sa isip ni Jillian ang makipagrelasyon dahil marami pa siyang mga pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.

SHOWBIZ TITLE FOR JILLIAN

Samantala, Star of the New Generation ang title na ibinigay kay Jillian ng mga namamahala sa kanyang showbiz career.

Personally, hindi kami pabor sa moniker na ito dahil maraming titulo ang mas nababagay sa kanya na pang-matagalan at hindi lamang para sa bagong henerasyon na kinabibilangan niya.

Noong dekada ’80, The Star of the New Decade ang naging bansag kay Manilyn Reynes, pero matapos ang isang dekada, hindi na mapakinabangan ang naturang titulo dahil may limitasyon ang panahon.

Hindi dapat ito mangyari kay Jillian dahil hindi lamang para sa makabagong henerasyon ang kanyang talento at star power.

Look at Nora Aunor, the Superstar. Look at Vilma Santos, The Star for All Seasons. Look at Maricel Soriano, The Diamond Star, and Sharon Cuneta, The Megastar, mga moniker na walang expiration at walang pinipiling panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Generous si Jillian Ward, na nagregalo ng kotse sa kanyang handler, kaya naman, inuulan din siya ng mga biyaya at projects.
PHOTO/S: @jillian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results