PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Max Nattapol, dadalo sa red carpet premiere ng Kuman Thong

Si Max ang co-star ni Cindy Miranda sa horror movie na Kuman Thong
by Jojo Gabinete
Published Jun 29, 2024
Max Nattapol
Ang Thai actor na si Max Nattapol ay dadalo sa red carpet premiere ng pelikulang Kuman Thong sa darating na Lunes, July 1, 2024 sa SM North Cinema 6 and 7. Si Max ang co-star ni Cindy Miranda sa horror thriller na idinirek ni Xian Lim.
PHOTO/S: @maxiiin_ Instagram

Darating sa Pilipinas sa Lunes, Hulyo 1, 2024 ang Thai actor na si Max Nattapol dahil dadalo siya sa red carpet premiere ng Kuman Thong na magaganap sa SM North Cinema 6 at Cinema 7.

Max Nattapol
Max Nattapol
Photo/s: @maxiiin_ Instagram

Si Max ang co-star ni Cindy Miranda sa pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa Miyerkules, Hulyo 3, 2024.

READ:

Thai star Max Nattapol Diloknawarit, bida sa pelikula ni Xian Lim

Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor

Sandaling-sandali lamang ang pananatili ni Max sa ating bansa dahil kinabukasan, Martes, Hulyo 2, babalik na agad siya sa Bangkok, Thailand.

MAX NATTAPOL, EXCITED SA KANYANG FIRST PINOY MOVIE

Ang Kuman Thong ang unang pelikulang Pilipino na ginawa ni Max na malaki ang dapat ipagpasalamat kay Xian dahil ito ang nakaisip na ibigay sa kanya ang karakter na ginampanan niya sa horror movie na kinunan ang mga eksena sa Bangkok.

Sumikat si Max bilang aktor sa Thailand dahil sa mga Boys Love o BL series na kanyang pinagbidahan, ang Bad Romance noong 2016, Together with Me [2017] at Manner of Death [2020].

Max Nattapol
Bad Romance movie poster

Max Nattapol
Together With Me movie poster

Max Nattapol
Manner of Death movie poster

MAX, MALAKING TULONG BILANG INTERPRETER DURING KUMAN THONG SHOOT IN THAILAND

Mula nang mag-umpisa ang acting career ng 30-year old Thai actor noong 2016, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto ni Max kaya nakabili siya ng sariling condominium unit na nagkakahalaga ng 10 million baht na kanyang naipon mula sa mga BL series na ginawa niya.

Noong 2023, pinag-usapan sa Thailand ang rebelasyon ni Max na may iniinom siya na gamot para sa kanyang nararanasan na depresyon.

Bihasa si Max sa pagsasalita ng Ingles at nagtapos siya ng Communication course mula sa isang prestigious university sa Bangkok.

Ang language barrier ang isa sa mga naging problema ng Philippine team nang mag-shooting sila sa Bangkok dahil hindi marunong magsalita ng Ingles ang karamihan sa production crew ng Thailand at si Max ang nagsilbi na interpreter kaya malaking tulong siya sa lahat.

READ:

Xian Lim inspired sa paggawa ng horror film Kuman Thong

Xian Lim, magdidirek ng horror movie tungkol sa burnt fetus sa Thailand

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Thai actor na si Max Nattapol ay dadalo sa red carpet premiere ng pelikulang Kuman Thong sa darating na Lunes, July 1, 2024 sa SM North Cinema 6 and 7. Si Max ang co-star ni Cindy Miranda sa horror thriller na idinirek ni Xian Lim.
PHOTO/S: @maxiiin_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results