Magaganda ang mga proyektong ibinibigay sa popular showbiz personality ng home studio nito sa matagal na panahon kaya palaisipan sa mga nakakakilala sa kanyang ugali ang desisyon niyang magplanong lumipat sa ibang istasyon.
Read: Aktres, sinasamantala ang libreng publicity dahil sa kinasasangkutang controversy
Nagparamdam na ang showbiz personality at ang taong namamahala sa kanyang career sa mga executive ng isang TV network tungkol sa kagustuhang paglipat dahil, diumano, hindi na siya masaya sa kasalukuyan na home network.
May mga hindi kumbinsido sa katwiran na sinabi ng kampo ng showbiz personality dahil maayos, magaganda, at siya ang bida sa karamihan sa mga proyekto na ibinibigay sa kanya.
Malakas ang mga duda na gusto ng showbiz personality na lumipat sa ibang television station dahil posibleng hindi na ire-renew ang kanyang kontrata kaya naghahanap na siya ng bagong tahanan.
Read: Celebrity na intrigera, hindi na ire-renew ng TV network ang kontrata
May isang proyekto pa na ginagawa ang showbiz personality para sa kanyang home studio at kapag natapos ito, malaki ang posibilidad na lumitaw ang katotohanan tungkol sa pasya niyang magparamdam sa ibang TV station dahil may mga isyu siya ngayon sa network na kinabibilangan.