Si Ataska Mercado ang personal na humiling sa mga executive ng Viva Films na bigyan siya ng mga proyekto para sa Vivamax dahil sa kanyang kagustuhang magpaseksi sa pelikula.

Ikinagulat ng Viva Films bosses ang desisyon ng dating child star, commercial model at singer pero nanindigan si Ataska sa kagustuhan nito na maging sexy actress ng Vivamax.
Kung marami ang nabigla sa pasya ni Ataska na magpakita ng hubad na katawan sa mga pelikula at original series ng Vivamax, masaya naman para sa kanya si Sandro Muhlach, ang ex-boyfriend niya at panganay na anak ng former child wonder na si Niño Muhlach.

READ:
Ataska, nag-transition from child actress to Vivamax star
Sandro Muhlach on entry to GMA Artist Center: "Hirap na hirap akong makapasok"
SANDRO HAPPY FOR ATASKA’S CAREER DECISION
“Wala naman po ako naging reaction about it pero deep inside I'm happy for her kasi na-reach niya ang kanyang goal na maging artista at magkaroon ng maraming movies with Vivamax.
“Naghiwalay kami for her career and I think it was for the best,” ang pahayag ni Sandro sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Mahigit sa pito ang bilang ng mga pelikulang pinagbidahan ni Ataska pero naninindigan si Sandro na minsan lamang ito nanood ng Vivamax movie. Kaya hindi pa siya nakakapanood ng mga proyekto ng dating karelasyon niya na mas pinili ang showbiz career kesa sa kanya.
“Hindi po ako nanonood ng Vivamax, e. Unless may kamag-anak po ako na kasali sa cast,” ang natawa na pag-amin ni Sandro.
“May one time na pinanood ko po yung Siklo sa Vivamax dahil kasama po sa cast ang tito ko na si Andrew Muhlach.”
READ:
Nino Muhlach buys Geely car for son; son is lukewarm
82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon
HOW ATASKA AND SANDRO MET
Mga teenager pa sina Sandro at Ataska nang magkakilala sila noong 2016 dahil si Niño ang direktor ng unang music video ng singer/actress.

“Nagkakilala kami ni Ataska dahil si Papa ko po ang director ng first music video niya which is yung "Atras Abante Ka."
“Kinuha po ako ni Papa as friend ni Ataska sa music video at after the shoot, naging mag- bestfriends talaga kami dahil same kami ng music taste and hobbies.
“Matagal po ang friendship namin bago naging kami. Nagkaroon kami ng relationship pero nag-end din after a year.
“Naghiwalay po kami because we were too young to be in a relationship. Halos same age kami at mas matanda lang po ako ng ilang months sa kanya, we were 16 and 17 at that time.
“One of the reasons was she wants to focus on her career sa Viva and I think she was successful with her goal naman, so I think it was really for the best to end the relationship.
“Pero I was also hurt kasi she was my first relationship ever pero I learned a lot of lesson. It made me realize to be mature and mag-focus din on my own career.
“Nakipag-break po siya sa akin sa text.
"Hindi na po ako nag-reach out kasi masama po ang loob ko pero hindi to the point na galit ako sa kanya.
“Pero wala akong ginawa to recover dahil busy din ako with my school projects at the time,” ang nagpakatotoong pagbabalik-alaala ni Sandro tungkol sa panandaliang relasyon nila ni Ataska.
SANDRO NO PLANS OF RECONCILING WITH ATASKA
May posibilidad ba na magkabalikan sila?
Natawa si Sandro sa narinig na tanong bago siya sumagot ng “Wala nang chance po na magbalikan kami. Hindi po kasi ako nakikipagbalikan sa ex, e.
“For me, nagiging lesson na lang po sa akin ang mga ex and I think masaya na po siya on her own good.
“Hindi ko po masabi na friends kami pero after ng guesting namin sa EXpecially for You ng It’s Showtime noong May 10, 2024, I know na okay kami at walang bad blood sa isa’t isa.”


Hindi na nagkaroon ng komunikasyon sina Sandro at Ataska matapos ang paglabas nila sa EXpecially for You pero nagpaunlak si Sandro na magbigay ng mensahe nito para kay Ataska.
“Thank you for the three years na magkakilala tayo and keep reaching your goals and stay happy. Sana mahanap mo yung the one para sa ’yo.”
READ:
Angeli Khang tagged as "Vivamax Queen" in teaser of upcoming film Bela Luna; dethrones AJ Raval?