PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

William Martinez, biktima ng "mafia" ng talent managers?

William Martinez, original creator ng titulong Bagets?
by Jojo Gabinete
Published Jul 1, 2024
william martinez korina interviews
William Martinez: “May mafia ng managers. Malaking mafia yan. Ang gagawin nila, tatawagan ito, 'Si ano, si artista, i-ban mo yan. Huwag mong kunin yan. Wala yan.' Kaya may mga artistang sikat, biglang nawawala. Bakit? Kasi na-mafia."
PHOTO/S: Rated Korina YouTube

Maraming beses nang nagpaunlak ng panayam ang aktor na si William Martinez sa iba’t ibang online channels.

Bakas sa mukha at pananalita ni William ang pait at tampong nararamdaman sa entertainment industry, lalo nang ipagtapat niya kay Korina Sanchez sa Korina Interviews na biktima siya ng "mafia" ng mga talent manager.

william martinez korina sanchez intervview
William Martinez being interviewed Korina Sanchez on Korina Interviews
Photo/s: Rated Korina YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagbanggit ng mga pangalan si William tungkol sa kanyang mabigat na akusasyong. Pero ayon sa kanya, may "mafia" sa entertainment industry na nagkokontrol at may kakayahang pabagsakin ang career ng mga artista, tulad nang nangyari sa kanya.

Read: William Martinez opens up about his depression, fellow Regal Babies, ex-wife Yayo Aguila

WILLIAM MARTINEZ ON "MAFIA" IN ENTERTAINMENT INDUSTRY

Bago isiniwalat ni William ang kaalaman niya sa kanyang tinutukoy na "mafia," nagkuwento muna siya nang mag-usap umano sila noon ng dating manager niya—ang yumaong si Douglas Quijano.

Read: Talents of Douglas Quijano fondly remember their manager

“'Bibitiwan na kita. Tutulungan ko si Richard, saka si Joey na lang.

"'Magpo-focus ako sa kanila kasi kapag binitawan kita, meaning magtutuluy-tuloy sila,'" sabi diumano ni Douglas, na ang tinutukoy ay ang mga alaga nito noong sina Richard Gomez at Joey Marquez.

“Kumbaga, aangat ako, hindi sila makakapasok. You have to put somebody aside,” rebelasyon ni William tungkol sa malungkot na araw na binitawan umano siya ni Douglas bilang talent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumanaw si Douglas noong Hunyo 13, 2009 kaya hindi na nito maipagtatanggol ang sarili at hindi na niya maitutuwid kung may mali man sa mga sinabi at paniniwala ni William.

Read: Talent manager Douglas Quijano passes away at 64

Matapos siyang bitawan ni Douglas, sinubukan ni William na maghanap ng ibang manager na tutulong sa kanya. Pero pumasok umano ang "mafia."

Paliwanag ni William: “Kunyari, the mafia doesn’t exist. It does! Bunch of people will deny it, meron talaga.

“May mafia ng managers. Malaking mafia yan.

"Ang gagawin nila, tatawagan ito, 'Si ano, si artista, i-ban mo yan. Huwag mong kunin yan. Wala yan.'

“Kaya may mga artistang sikat, biglang nawawala. Bakit? Kasi na-mafia. Hindi pinabibigyan ng project. Why?

“There’s one actor I know, super sikat siya. Naka-Ferrari, ang daming bahay, sa Tagaytay, whatever. Bigla siyang nawala.

“Bakit nawala? Kasi na-call down ng mafia. Kasi this mafia, ang feeling nila, 'Kaya nating buhayin, kaya nating ilaglag ang artista.' Goodbye kung goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maraming ganoong artista. For example kapag sikat ka, gagawa sila ng way. Sisirain ka para lumaglag ka, e."

Tinanong ni Korina kung ayaw niyang magpa-manage uli sa ibang talent manager.

Sagot ni William, “I tried, kasi meron nga, kumbaga, na mafia na kinokontrol ang artista.

"I tried getting [a] manager. Itong isang manager, supposedly, maraming hinihinging demands sa akin.

“Sabi ko, ‘I want a simple life. Manage me.’

"'Ten percent [commission] ako for the first year. Second year, iangat mo na,'" sabi raw ng manager.

Hindi raw ito nagustuhan ni William.

“Maraming dakdak. Sabi ko, 'no' na lang.

"Matiyaga ako sa lahat. Ang point ko lang, manage me kasi nasa heart mo rin. We will work hand in hand.

"Kapag nasa heart natin, tulungan tayo.

"Kapag yung manager mo napilitan, sasabihin mo, 'Ihanap mo ako ng trabaho,' meaning wala sa heart niya yon.”

Read: Former matinee idol William Martinez admits taking drugs during his heydays

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIAM MARTINEZ ON CELEBRITIES IN POLITICS

Pinuna rin ni William sa panayam sa kanya ni Korina ang mga kapwa artistang nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan at nahalal sa iba’t ibang puwesto pero hindi natulungan at naprotektahan ang mga kasamahan sa industriya na nangangailangan.

“Actually, it’s one of the saddest part in my life,” may pait ang boses na sabi ni William.

“Maraming artistang naging politician, walang ginawa. Nagkaroon ng presidente na politician, congressman, mayors, wala lahat.

“Dapat ‘yung mga artista, protektahan ninyo, mahirap o matanda. Protektahan natin ang kapwa natin, hindi yung ilaglag.

“Ang gagawin mo na lang, magpapadala ka ng bulaklak kapag patay na. Kapag patay na, bibigyan mo ng award.

"Kapag patay, ilalagay mo sa Eastwood [Walk of Fame]."

STAR IN WALK OF FAME

Ang mga sikat na loveteam noong dekada '80 ay kina William at Maricel Soriano at Gabby Concepcion at Snooky Serna.

Pero sa kanilang apat, tanging si William ang hindi pa nabibigyan ng sariling bituin sa Walk of Fame sa Eastwood, Libis, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
william martinez maricel soriano loveteam
William Martinez and Maricel Soriano during their loveteam era

May bituin na rin sa Walk of Fame ang nakatatandang kapatid ni William na si Albert Martinez.

Kaya mauunawaan ang tampong nararamdaman ng dating matinee idol na may malaking ambag din sa Philippine entertainment industry dahil nagbida sa maraming pelikulang pinilahan sa takilya noong kasikatan niya at ng loveteam nila ni Maricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nagbago ang paulit-ulit na kuwento ng aktor na idea niya ang pamagat na Bagets, ang blockbuster youth-oriented movie noong 1984, pero hindi umano kinilala ang kanyang mahalagang kontribusyon doon.

bagets poster

Read: William Martinez on talk about experiencing hard times: "May naghihirap bang dalawa ang kotseng Mercedes?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
William Martinez: “May mafia ng managers. Malaking mafia yan. Ang gagawin nila, tatawagan ito, 'Si ano, si artista, i-ban mo yan. Huwag mong kunin yan. Wala yan.' Kaya may mga artistang sikat, biglang nawawala. Bakit? Kasi na-mafia."
PHOTO/S: Rated Korina YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results