PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Gomez at Jane de Leon, biktima ng maling akala

Rob Gomez at Jane de Leon, biktima ng maling akala.
by Jojo Gabinete
Published Jul 2, 2024
rob gomez jane de leon taiwan
Contrary to rumors linking them together, Rob Gomez and Jane de Leon are in Taiwan because of the horror movie that they are shooting there.
PHOTO/S: Instagram

Haunted Hospital ang working title ng pelikulang ginagawa nina Rob Gomez at Jane de Leon sa Taiwan kaya walang katotohanan ang mga espekulasyong nagkakamabutihan ang dalawa.

Muling naging biktima ng mga batikos si Rob mula nang lumabas sa social media ang larawan nila ni Jane habang magkasama sila sa isang ramen restaurant sa Taipei.

Read: Jane de Leon and Rob Gomez spotted together in Taiwan

Jane de Leon and Rob Gomez spotted together in Taiwan
Rob Gomez and Jane de Leon eating at a ramen restaurant in Taiwan.
Photo/s: Screengrab @Jane de Leon Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa kasi nakakalimutan ng publiko ang mga isyu niya sa ina ng kanyang anak, ang former beauty queen na si Shaila Rebortera at kay Herlene Budol.

Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga mahihilig sa intriga na mag-imbestiga tungkol sa tunay na dahilan ng magkasamang pagkain nina Rob at Jane. Pinairal nila ang malisya at piniling isipin na may namumuong relasyon sa dalawa.

HAUNTED HOSPITAL

Unang ikinuwento ni Rob sa Cabinet Files ang proyektong pagsasamahan nila ni Jane at ng ibang mga artista nang dumalo siya sa media conference tungkol sa pagsasanib-puwersa ng VP Global Manila at TCP Talent Management Singapore, sa Valencia Events Place, Quezon City, noong Hunyo 8, 2024.

Read: Brian Ng at David Matthew, gustong magka-career sa Pilipinas

Makalipas ang ilang araw, lumipad sa Taiwan si Rob at ang Filipino cast dahil sa shooting nila para sa Philippine adaptation ng South Korean movie franchise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang sina Rob at Jane ang mga artista sa Haunted Hospital dahil bida rin sa pelikula sina Enrique Gil, Alexa Miro, Rap Pineda, Zark, at MJ Lastimosa.

Si Kerwin Go ang direktor ng Haunted Hospital.

Ito ang pangalawang proyekto niya na Philippine adaptation ng isang South Korean movie.

Si Kerwin ang direktor ng Philippine version ng South Korean film na Keys to The Heart, ang comedy-drama film na pinagbidahan nina Zanjoe Marudo, Dolly de Leon, at Elijah Canlas. Mainit itong tinanggap at tumanggap ng mga papuri mula sa manonood nang ipalabas sa Netflix noong 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contrary to rumors linking them together, Rob Gomez and Jane de Leon are in Taiwan because of the horror movie that they are shooting there.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results